Chapter 28

73 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Nakakainis ka naman, Andeng e! Minsan ka na nga lang umuwi dito, magpapaalam ka pa" napailing na lang ako kay Kaycee nung nagsimula nang mangilid ang luha niya.

Narito kami sa coffee shop malapit sa university kung saan siya nagtuturo ngayon. Buti na lang at nung nagchat ako sa kanya ay vacant pala niya kaya nagkaroon kami ng pagkakataong magkita.

"Sorry na, Mars. Alam mo namang kailangan kong gawin 'to para sa ekonomiya" dinaan ko na lang sa biro ang lahat kahit na may part din sa'king nalulungkot.

Nung isang linggo ay grabe din ang iyakan ng pamilya ko nung nagpaalam ako sa kanila. Ayaw pa nga akong payagan ni Tatay at ang sabi niya ay magtatrabaho na lang daw ulit siya kesa daw magkahiwa-hiwalay pa kami pero syempre, hindi na ako pumayag. Hindi na rin naman pabata si Tatay at isa pa, marami na siyang nararamdaman sa katawan. Magpahinga na muna siya .. ako na muna ang bahala.

"Nakakainis. Minsan na nga lang tayo makumpleto tapos alis pa kayo nang alis. Si Jarred ang nauna tapos susunod ka naman .. paano na ang barkada?"

"Marami namang ways para mag-usap-usap pa rin e. Saka di ko naman planong magtagal dun. Mag-iipon lang ako saglit" ngumuso lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Mamimiss kita"

Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay niya. "Mamimiss din kita, Mars"

"Anong sabi ni Lynard?"

Napabuntong hininga ako at saka tipid na ngumiti. "Alam mo naman kung gaano ka-supportive ang taong yun, di'ba? Syempre payag lang siya nang payag sa mga desisyon ko"

Umismid siya. "Sabihin mo nga kay Ly, i-seminar man lang si Jerick kahit isang araw lang. Baka may pag-asa pang magbago yung gagong yun" napailing na lang ako sa kanya. Masyadong magulo ang buhay nilang dalawa .. minsan nga, naaawa na ako kay Kendrix dahil siya ang pinaka-apektado sa away ng dalawang 'to.

"Ano na namang problema ninyong dalawa? Hindi na nga nagsasalita yung lalaking yun, pinoproblema mo pa" natatawang sabi ko sa kanya.

"Aish basta! Nakakainis siya! Buti nga ngayon, nasa kanya si Kendrix e .. makakapagpahinga ako ng maayos-ayos. Nakakastress silang mag-ama"

"Pero mahal mo?" Pang-aasar ko. Umiwas naman siya ng tingin at sumimsim ng juice na order niya.

"S-syempre mahal ko yung anak ko"

"Yung tatay?"

"Tigilan mo nga ako, Andrea!" Simangot na simangot na sabi niya kaya lalo akong natawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nagpeace sign lang ako. Iba na kasi si Kayceelyn ngayon. Mahinhin pa rin naman siya pero palaban na di gaya nung high school kami na mas iyakin pa siya sa'kin.

"Paano kayo ni Ly?" Pagkuwa'y tanong niya kaya natigilan ako.

"Edi yun. Kanya-kanya muna" simpleng sabi ko kahit na nasasaktan pa rin talaga ko.

"Kaya mo ba yun? Di ka ba natatakot na maiwan siya dito mag-isa? He's a good catch .. sigurado akong pagkaalis na pagkaalis mo, marami nang aaligid dun .. sa pangunguna na lang ni Jamaica"

Napayuko na lang ako. "Wala na akong magagawa dun dahil wala na naman kaming relasyon. Malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya nang hindi ako inaalala. Hindi siya madamot pagdating sa'kin .. bakit ko naman siya pagdadamutan pabalik?"

Nakakaunawang ngumiti si Kaycee at muling hinawakan ang kamay ko. "Alam ko namang mahal na mahal ka ni Ly .. sigurado akong maghihintay yun sayo"

Umiling-iling ako at mapait na ngumiti. "Ayokong gawin niya yun. Ayokong ikulong siya sa'kin. Gusto ko pag umalis ako, magsimula ulit siya .. yung hindi na ako inaalala."

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now