Chapter 10

69 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"M-manligaw?"

Tila napapasong lumayo ako sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at ang init ng pisngi ko.

"Dawn --"

"W-wag mo akong susundan!" Agad na asik ko at madaling kinuha ang bag ko. Mabilis na lumabas ako ng room at nakita ko sa may corridor na nakatambay yung apat habang nawiwirduhang nakatingin sa'kin. Inirapan ko lang sila at nagtatakbong umalis sa lugar na yun.

Ligaw?
Bakit may ganun?
Akala ko ba magkaibigan kami?
Bakit gusto niyang gawing komplikado pa ang mga buhay namin?

Okay na kami bilang magkaibigan .. bakit kailangan niya pa akong ligawan?

Saka may mga pangarap ako sa buhay. Ayokong masira ang mga yun .. ayokong tumulad sa mga ate ko .. at higit sa lahat, ayokong masira ang tiwala ng mga magulang ko sa'kin.

Kahit nanghihinayang sa 7 pesos na pamasahe ay mas pinili ko na lang na sumakay ng jeep pauwi. Mahirap na .. baka maabutan pa ako ni Antonio. Ayoko siyang makita.

Pagkarating sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto. Naabutan ko dun si Amanda na pinapatulog ang anak niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko nung tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong problema mo?" Mataray na tanong niya. Nakagat ko ang kuko ko at ilang beses na napabuntong hininga. Naguguluhan pa rin talaga ako.

Ang tanga naman, Antonio e! Panggulo sa isip ampucha!

Muli akong huminga ng malalim at tumingin sa kapatid kong parang inis na inis na sa presensya ko. "Ate?"

"O?"

Nakagat ko tuloy ang kuko ko sa hinlalaking daliri dahil sa kaba. "Pag ba niligawan ka, ibig sabihin magiging boyfriend mo na yung nanligaw sa'yo?"

Muling tumaas ang kilay niya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. "Depende kung sasagutin mo"

"Paano pag hindi ko sinagot?"

"Edi maghahanap yun ng ibang liligawan"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Iba na ang pagtutuunan niya ng pansin?"

"Malamang! Sinong tanga ang maghihintay sa walang kasiguraduhan?"

"Pag nanligaw siya ng iba, tapos sinagot siya .. ibig sabihin girlfriend na niya yun?"

"Syempre!"

"Pag nagkagirlfriend siya ng iba .. ibig sabihin, lalayo na siya sa'kin"

"Gaga! Malamang! Binasted mo e. Bakit ka ba tanong ng tanong?"

Muli akong napakamot sa ulo ko at napayuko. "S-si Antonio po kasi .. manliligaw daw"

Napakunot ang noo niya. "Ha? Manliligaw palang? Di mo pa ba boyfriend yun?"

Maagap na umiling-iling ako "Hindi! Magkaibigan lang kami"

"O? Anong problema mo?"

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "P-pag ba n-naging b-boyfriend ko si Antonio, m-mabubunt --"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nasabunutan na niya ako. "Subukan mong sumunod sa'min ni Ate Laida, ikaw ang ibabalot ko sa tarpaulin at ipapaanod sa ilog!" Bulyaw niya kaya napangiwi na lang ako.

Ang sakit ng anit ko. Pakiramdam ko, gusto akong kalbuhin ni Amanda.

"E bakit kayo? Nagkaboyfriend lang din naman kayo ah! Tapos ganyan na!"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now