Chapter II

5.8K 1.1K 87
                                    

Chapter II: Trouble and Killings

Wala nang tanong-tanong sina Eon, Poll at Paul. Lahat ng plano ni Finn ay sasang-ayunan nila nang walang pag-aalinlangan dahil bukod kay Paul, malaki ang tiwala na binibigay ng dalawang binatilyo kay Finn. Tungkol kay Paul, sina Finn ang dahilan kung bakit siya nasa kasalukuyan niyang posisyon ngayon. Sila ang rason kung bakit siya lumakas, at dahil sumumpa siya na tutulungan niya sina Finn, siyempre ay hindi siya sasalungat sa mga plano ng binata.

"Tara na. Balak na ring umalis ng iba, at sisimulan na nila marahil ang sarili nilang paglalakbay sa mundong ito. Hindi tayo lalakas kung hindi tayo kikilos agad," hayag ni Finn.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad silang umalis sa kanilang kinaroroonan at hinanap ang pinakamalapit na labasan paalis ng lungsod. Kung hindi sila kikilos ngayon, at kung magpapabagal-bagal sila, walang mangyayari sa kanilang grupo.

Mayroon silang layunin, at ang layunin na iyon ang kanilang uunahin bago ang pagpapasarap.

Nagtuloy-tuloy ang grupo ni Finn sa mabilis na pagtakbo upang agad na makalabas ng lungsod. Walang pakialam ang binata sa tarangkahan. Wala silang oras para hanapin pa ang labasan, at kung ano na lang ang pinakamalapit na maaari nilang labasan ay lalabasan nila.

Marami silang nakakasabay na mga adventurer. Ito ang mga rogue adventurer at mga adventurer na nasa iisang pangkat na ayaw na ring manatili sa lungsod dahil sa puwersahang pamamahala ni Geyaj at ng kanyang mga tauhan dito. Lumilihis ng direksyon ang iba habang ang ilan ay nakakasabay pa rin nina Finn.

Nagpatuloy lang sina Finn sa mabilis na pagtakbo at pagtalon sa mga gusali. Habang hindi kalayuan sa kanilang grupo, isang grupo rin na binubuo ng dose-dosenang mga adventurer ang mabilis na tumatakbo at mapapansing sadyang bumubuntot sa kanila. Bawat isa sa mga adventurer na ito ay nagtataglay ng sagisag ng isang itim na liryo sa iba't ibang bahagi ng katawan, at mapapansin na ang nangunguna sa kanilang grupo ay isang lalaking may matipunong pangangatawan. Mayroon siyang kayumangging balat, makapal at mahabang itim na buhok, at ang makapal na mga kilay. Walang pumoprotekta sa kanyang mga braso dahil walang manggas ang suot niyang pang-itaas kaya lantad ang makapal na balahibo sa kanyang braso.

Mukha siyang unggoy, pero ang kanyang aura ay pagmamay-ari ng isang tao. Siya si Fu Yande, ang pinuno ng grupong Black Lily. At sa likod niya ay si Gurduk, ang beastman na may uri ng gorilya na nakaaway ni Eon. Itinatago nila ang kanilang presensya habang binubuntutan sina Finn. Kapansin-pansin ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Fu habang si Gurduk ay malapad at makahulugang nakangiti.

"Maraming salamat sa inyong pag-aksyon bagay na ito, Boss! Hinamak nila ang ating grupo, at minamaliit nila tayo gayong sila ang nagtataglay ng mahihinang antas at ranggo," sambit ni Gurduk habang nakatingin kay Fu. "Kung malakas sila, matitiis ko pang isantabi ang aking galit at ang kanilang panghahamak, pero hindi iyon ang kaso. Hinamak nila ako, ikaw boss at ang ating buong grupo kaya hindi natin maaaring palampasin ang kalapastanganan nila sa atin," aniya pa.

Mas lalong lumamig ang ekspresyon ni Fu. Pinanliitan niya ng tingin ang kanyang unahan at nagwika, "Walang sinomang insekto ang may karapatang humamak sa akin at sa Black Lily. Ang sinomang lumapastangan sa aking binuong grupo ay mamatay."

Umismid si Gurduk at muling nagwika, "Hindi ko na mahintay na makita ang mukha ng mga iyon habang nakaluhod at nagmamakaawa! Sisiguruhin kong magdudusa't hihilingin na lamang ng isang iyon na siya ay paslangin na lamang. Hinding-hindi ko makakalimutan ang panghahamak sa pares ng kanyang berdeng mga mata."

Muli niyang naalala ang mapanghamak na mga mata ni Eon. Sandaling nagdilim ang kanyang ekspresyon, pero dahil malapit na nilang makalaban ang grupo nina Finn, muli na siyang malapad na napangiti at naging makahulugan ang kanyang mga mata.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz