Chapter LVI

5.9K 1.1K 83
                                    

Chapter LVI: Idling

Ilang oras lang matapos ang pagdating ni Eon sa mansyon na tinutuluyan ng Immortal Fiend Clan, ang lahat ay mabilis na naging magulo at makalat. Nagkalat ang mga pagkain, bote, tapayan, lamesa at kung ano-ano pang mga kagamitan. Higit pa roon, bukod sa mga bagay na ito, mayroon pang mga bahagi ng katawan ang nagkalat at ang dugo ay dumanak sa sahig. Nagkaroon ng mga sanaw ng dugo, maraming bangkay ang nagkalat at ang nakasusulasok na amoy ng malansang dugo ay sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

Sa loob lamang ng ilang oras, ang halos lahat ng miyembro ng Immortal Fiend Clan ay wala ng buhay. Ang lahat ay pinaslang na ni Eon kasama ang mga namumuno sa angkan na ito.

May hawak na dalawang patalim si Eon habang nakaupo siya sa isang upuan. Pinaglalaruan niya sa kanyang mga kamay ang mga patalim habang ang kanyang tingin ay nakatuon sa nag-iisang buhay na miyembro ng Immortal Fiend Clan.

Itinutok ni Eon ang isa sa dalawang hawak niyang patalim sa lalaking kasalukuyang nakadikit sa pabilog na lamesang nakatayo. Mayroong mga nakatarak na patalim sa kanyang braso, binti at iba't ibang bahagi ng katawan. Nanghihina na siya at naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Kaawa-awa ang kanyang kalagayan, pero sa halip na awa ang makikita sa mga mata ni Eon, panghahamak at paglalaro ang kasalukuyang mababakas sa mga mata ng binatilyo habang itinututok niya ang hawak niyang patalim sa katawan ng lalaki.

Malumanay na inihagis ni Eon ang patalim at dumaplis ito sa balikat ng lalaking hinang-hina na. Napasimangot si Eon dahil sa pagdaplis ng kanyang atake, at muli niyang pinaglaruan ang natitirang patalim sa kanyang palad.

“Ano'ng pakiramdam ng pinaglalaruan? Nasisiyahan ka ba sa munti nating laro..?” Tanong ni Eon habang nakatingin sa lalaking halos hindi na makamulat dahil sa tinamo niyang mga sugat at pinsala.

Siya si Haure, ang natitirang miyembro ng Immortal Fiend Clan na binuhay ni Eon upang paglaruan at pahirapan. Siya rin ang adventurer na umatake noon kay Eon at Paul sa lungsod ng Inogon, at kasalukuyan siyang pinaglalaruan ni Eon bilang ganti sa ginawa nitong paggalit sa kanya.

Pilit na tumingala ang lalaki. Nakadikit na ang kanyang katawan sa lamesa dahil sa mga patalim na nakatarak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Gusto niyang kumawala, pero hinang-hina na siya. Ang tanging gusto niya na lang ay mamahinga dahil sa kasalukuyan niyang kalagayan, higit pa siya sa pinaslang dahil bawat segundo ay naghihirap siya sa mga pinsalang tinamo niya mula kay Eon.

“D-Demonyo... i-isa kang d-demonyo!” Pilit na sigaw ni Haure. “K-Kung may lakas ka ng loob, paslangin mo na ako...”

Dahil inalis na ni Eon ang kanyang kakayahan na makagamit ng enerhiya sa pamamagitan ng pagsasara sa kanyang soulforce pathway gamit ang isang technique, hindi niya magawang pasabugin ang kanyang sarili kahit gustong-gusto niya na.

Alam niyang mamamatay na siya, pero ang mas gusto niya ngayon ay ang mabilis at payapang kamatayan hindi ang katulad nitong nagdudusa siya sa kamay ni Eon. Nagmamakaawa na siya kanina pa subalit sa halip na kaawaan siyabni Eon ay mas lalo pa siya nitong pinaglalaruan at pinahihirapan.

Tumayo si Eon sa kanyang kinauupuan. Marahan siyang naglakad habang pinaglalaruan niya ang patalim sa kanyang kamay. Nakangisi siya habang palapit siya nang palapit kay Haure, at nang makalapit siya, itinapat niya ang kanyang mukha kay Haure at nagwika, “Tawagin mo ako sa kahit na ano'ng gusto mo. Tawagin mo akong demonyo, halimaw o kahit na anong gusto mo. Isumpa mo ako, pero iyon ang gusto kong mangyari--dahil doon ko napapatunayan na nagtatagumpay ako sa aking pagpapahirap sa iyo.”

“W-Wala kang makukuha sa ginagawa mo--”

“Mayroon. Ang kasiyahan at pagkakontento. Nasisiyahan ako sa pagpapahirap sa mga kagaya mong hangal na hindi marunong kumilala at makiramdam,” putol ni Eon bago pa man matapos si Haure sa kanyang sasabihin. Hinablot niya ang buhok ni Haure at marahas itong hinila pataas upang maipantay sa kanyang mukha ang mukha nito.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now