Chapter XXIX

5.3K 1K 154
                                    

Chaptet XXIX: Traveling on their Own and the Mountain of Life and Death

Pagkatapos linisin ang nagkalat na bangkay ng mga adventurer, nagbitaw lang ng ilang mga salita si Kyuru bago sila magpatuloy sa ekspedisyon. Muling nagmartsa ang mga kawal at sumunod ang mga adventurer ngunit mahahalata sa karamihan sa kanila ang pag-aalinlangan at pag-iisip ng malalim. Nagkakaganito sila dahil sa kanilang nasaksihan at napagtanto. Ang mga pangako sa kontrata ay hindi lahat totoo, at napagtanto rin nila na hindi talaga patas si Kyuru pagdating sa paghusga sa isang pangyayari.

Malinaw sa kanila kung bakit mas kinakampihan ni Kyuru ang Nightrage Gang, at iyon ay dahil sa dalawang bagay: Dahil mas mapakikinabangan niya ang Nightrage Gang dahil malakas ang grupong ito, at dahil na rin mayroon nang nabuong alitan sa pagitan niya at ng Alchemy Emperor sa grupo ni Finn.

Ang lahat ay tungkol sa kung sino ang mapapakinabangan at kung sino ang hindi. Mas lalo lang ipinamumukha sa mahihinang adventurer na wala silang boses at wala silang karapatan na lumaban. Na ang kanilang pananatili sa grupo ay walang tiyak dahil ano mang oras, kapag nakabangga sila ng maiimpluwensiya o malalaking pangalan ng adventurer ay siguradong maaalis sila o kaya ay magiging biktima.

Habang nagmamartsa ang mga kawal at adventurer, may limang kawal ng Crimson Guardian ang pumuslit. Ang limang kawal na ito ay binubuo ng isang 5th Level Heavenly Emperor Rank, isang 4th Level Heavenly Emperor Rank at tatlong 3rd Level Heavenly Emperor Rank.

May ilan na nakakita sa kanilang pagpuslit, at isa na sa ilan na iyon si Gyomei na kasalukuyan pa ring nakaupo sa sanga na kanyang inuupuan magmula pa kanina.

Tumayo siya sa sanga at malamig na tumingin sa direksyon kung saan patungo ang mga kawal.

“Marumi ka talahang kumilos, Kyuru. Katulad na katulad ka ng kapatid mo. Pareho kayong sakim at mapilit. Kapag nakaligtas ang apat na iyon mula sa iyong pagtatangka, siguradong sa hinaharap ay katapusan mo na,” ani Gyomei bago siya tuluyang sumunod sa ekspedisyon na pinamumunuan ni Kyuru.

Hindi niya sinubukang sundan ang mga kawal dahil unang-una, wala siyang dahilan para gawin iyon. Labas na siya sa gulong ito.

“Nagawa ko na ang parte ko. Binigyan ko na kayo ng munting tulong kahit na wala tayong ugnayan sa isa't isa. Natutuwa lang ako sa inyo--lalong-lalo na sa Finn Doria na iyon dahil sa kanyang katapangan at lakas ng loob,” sambit pa ni Gyomei. Ngumiti siya at nagpatuloy, “Kakaunti na lamang ang mga adventurer na naglalakas-loob na makipagkompetensiya sa akin, at sa kakaunting iyon, siya lang ang natatanging 2nd Level Heavenly Emperor Rank.”

--

Habang ang ekspedisyon ng mga kawal ng Crimson Guardian, Crimson Beast at ng mga adventurer ng Crimson Lotus Realm ay nagpapatuloy, sina Finn ay kasalukuyang naglalakbay palabas ng kagubatan kung saan sila pumasok. Kailangan nilang lumabas ng kagubatan na ito dahil mahirap para sa kanilang grupo na magpagala-gala rito dahil masyadong mapanganib ang Beast King Forest.

Ngayon na sila na lamang ang magkakasama, kailangan nilang magbago ng dadaanan patungo sa bulkan ng Bluemir. Napag-usapan na nila iyon, at ang prayoridad nila ngayon ay makalabas muna sa kagubatan upang makalayo sila sa mga nakaabang na monstrous beast.

Habang naglalakbay, napasulyap si Finn sa kanilang likuran. Maging si Eon at Poll ay napansin ang napansin ni Finn kaya naging alerto sila habang nakikiramdam sa paligid.

“May limang Heavenly Emperor Rank na sumusunod sa atin, Master. Gusto mo bang iligpit ko na ang mga pangahas na 'yan?” Nakasimangot na tanong ni Eon.

Dahil sa pagsasalita ni Eon, doon pa lang nalaman ni Paul na may sumusunod sa kanila. Nakaramdam siya ng bahagyang kaba, pero naglaho rin agad iyon dahil naalala niya kung gaano kalakas ang kanyang mga kasama. Marahil mababa lamang ang antas nina Finn, Eon at Poll subalit sobrang lakas nilang tatlo kahit pa mas mataas ang antas ng kanilang kalaban.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now