Chapter LIX

5.5K 1.1K 167
                                    

Chapter LIX: True Dragon and Submitting to a True Leader (Part 3)

Umabot ng matagal ang pakikipaggitgitan ni Finn sa dragon. Kalmado ang kanyang ekspresyon ngunit taliwas iyon sa marahas na puwersang kanyang inilalaan sa kanyang kamay at espada. Ayaw niyang magpatalo sa dragon, hindi siya nagpapalamang bagkus ipinagpipilitan niya ang kanyang atake kahit na ang kanyang mga braso ay nakararamdam ng bahagyang pamamanhid. Ang kanyang mga daliri ay nagkakaroon na ng bali, pero agad itong gumagaling kahit na hindi siya gumagamit ng pambihirang skill na “Water Body”.

Makaraan pa ang ilang saglit, umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog kasabay ng paglayo ng dragon kay Finn. Ang halimaw na ang tumapos sa girian, napagtanto na nitong hindi magpapatalo ang binata sa tunggalian kaya siya na mismo ang umatras upang ibahin ang kanyang taktika.

Marahil isa lang ilusyon ang halimaw na ito, ngunit pinapagana siya ng isang pambihirang formation kaya nakagagawa rin siya ng mga atake at taktika na ginagamitan ng isip. At dahil hindi niya makayanan na matalo si Finn gamit ang kanyang simpleng pagkalmot gamit ang kanyang mga kuko, gagamit siya ng ibang atake na mas marahas at may mas malakas na puwersa.

Ganoon man, paanong hahayaan ni Finn na ma-dehado siya sa laban? Agad niyang binago ang kanyang enerhiya. Mula asul na berde naging berde na lang, pero sa pagkakataong ito, nagkaroon ng pagbabago sa kanyang anyo. Gagamitin niya na ang ikalawang antas ng kanyang Supreme Tempest Art. Gagamitin niya ito dahil sa labang ito, ang kailangan niya ay bilis upang matalo ang halimaw.

Mas naging seryoso ang ekspresyon ni Finn noong hinabol niya ang dragon habang ito ay umaatras. Ibinato niya ang kanyang espada at nang humiwalay ito sa kanyang mga kamay, may lumitaw sa kanyang palad na latigong yari sa marahas na enerhiya.

[Supreme Tempest Art: Wind Whip!]

Pumulupot ang latigo sa hawakan ng espada. Buong lakas na kinontrol ni Finn ang latigo, at walang pagpipigil niyang inihampas ang latigo kasama ang nakapulupot na espada rito sa katawan ng dragon.

WHOOSH!

BANG!!!

ROAR!!!

Direktang tumama sa tagiliran ng dragon ang talim ng espada ni Finn. Nagkaroon na sa wakas ng pinsala ang halimaw, pero hindi pa rin ito sapat dahil masyadong malakas ang kapangyarihan ng pagpapagaling ng dragon.

Agad na kumilos si Finn. Biglang bumilis ang kanyang pagkilos at nawala na ang latigo sa kanyang kamay.

[Supreme Tempest Art's Unique Skill: Tempest!]

Bumulusok si Finn patungo sa kinaroroonan ng kanyang espada. Nakatarak ito sa katawan ng dragon, at nang makarating siya roon, agad niya itong marahas na hinugot at umatras dahil nakita niya na parating na ang buntot ng halimaw.

Bumaling si Finn kay Eon at agad na ito ay hinudyatan, “Oras na, Eon! Pababagsakin na natin ang dragon na ito sa isang iglap lamang!”

Naunawaan ni Eon ang mga sinabi ng kanyang master. Ngumisi siya at agad na sinimulan ang kanilang planong binuo. Nananabik na siya sa maaaring maging resulta ng kanyang gagawin. Ito ang unang beses na magagamit niya ang kapangyarihan na iyon, at hindi na siya makapaghintay na makita kung ano ang epekto noon sa iba.

Tumindi ang kanyang aura ni Eon. Ang kanyang inilalabas na aura ay naramdaman ng mga manonood. Naramdaman nila ang napakalakas at pamilyar na aura, at hindi maipinta ang kanilang ekspresyon habang nakatingin kay Eon.

Sinimulan na ni Eon ang paggamit sa kanyang purong dugo ng dragon. Tama, balak niyang gamitin ang kanyang totoong kapangyarihan upang talunin ang dragon. Pinapagana niya na ang dugong ibinigay sa kanya ng kanyang guro, at naniniwala siyang sapat na sapat na ito upang talunin ang halimaw.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now