Chapter XCVII

5.4K 1.1K 129
                                    

Chapter XCVII: Time Flies

“Kilala na galing sa divine realm..?” Pabulong na ulit ni Firuzeh. Agad siyang umiling-iling. Naglakad siya patungo sa ibang direksyon at nang huminto siya, muli siyang bumaling kay Finn. “Ayoko nang makahalubilo ng kahit sino'ng nagmula sa divine realm, Finn Doria. Hindi mo naiintindihan ang implikasyong maidudulot sa akin ng bagay na iyon kapag nalaman nilang buhay ako. Hahanapin nila ako kahit saang sulok ng mundo ako magtago, at hindi ko kayang protektahan ang sarili ko sa kanilang lahat ng mahabang panahon. Kaya kong lumaban sa kasalukuyan kong antas, pero maraming tanyag at makapangyarihang indibidwal sa divine realm ang gusto akong tugisin.”

“Pinagkakatiwalaan kita, Finn Doria. Pakiusap, huwag mong sabihin na alam mong buhay ako at nakita mo ako. Isang malaking tulong kung gagawin mo iyon para sa akin,” sambit aniya pa.

Malinaw sa kanyang mga kilos at salita na nababahala siya sa mga maaaring mangyari sa oras na may makaalam na buhay siya.

“Noong ako pa ang alchemy god, marami akong kakampi at maraming gumagalang sa akin. Pero, iyon ay dahil sa aking kapangyarihan at kakayahan. Ngayong wala na ito sa akin, wala na rin akong pakinabang sa kanila. Tuso ang kanilang mga puso, at hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Ang mga kakampi ko noon ay maaaring kalaban ko na ngayon, at ang mga kalaban ko... siguradong gagawa sila ng paraan para mahanap ako kapag nalaman nilang buhay ako at gumagala sa mga middle realm,” dagdag pang paglalahad ni Firuzeh habang nakatungo.

Sandaling natahimik si Finn matapos magsalita si Firuzeh. Pinagmasdan niya lang ito ng ilang segundo, at pagkatapos, bahagya siyang tumango at tumugon, “Nauunawaan ko ang gusto mong mangyari. Hindi ko sasabihin kahit kanino na alam kong buhay ka at nakita kita rito, ganoon man, ipapaalam ko pa rin sa iyo na ang tinutukoy kong kakilala na mula sa divine realm ay hindi makababalik sa divine realm nang wala ang tulong ko. Nakakulong siya kung saan, at ako lang ang makapagdadala sa kanya sa divine realm.”

Huli na ang lahat. Sa totoo lang, hindi alam ni Finn kung nanonood sina Munting Black at Migassa mula pa noong magpakilala si Firuzeh. Parehong galing si Munting Black at Migassa sa divine realm, at ang tinutukoy niya na kakilala na maaaring makausap ni Firuzeh ay walang iba kung hindi si Migassa na may alam sa kasalukuyang kaganapan sa divine realm.

Sa narinig ni Firuzeh sa huling pahayag ni Finn, natahimik siya at napaisip. Hindi niya lubos na maunawaan kung ano ang eksaktong ibig sabihin ng binata, pero hindi na siya nagtanong pa. Nanatili na lang siyang tahimik dahil sa rami ng kanyang iniisip at inaalala ngayon.

Hindi niya pa rin napagdedesisyunan kung ano ang kanyang magiging sunod na hakbang pagkatapos ng lahat ng ito. Nahanap niya na ang perpektong maaaring makatapos sa kanyang eksperimento, pero tinanggihan siya nito at nauunawaan niya kung bakit.

Nasaksihan niya kung gaano kalaki ang potensyal ni Finn na maging malakas sa hinaharap, at kahit siya ay manghihinayang kung gugugulin ng binata ang kanyang panahon sa pag-e-eksperimento sa isang pill na hindi alam kung kailan matatapos.

Nang mapansin ni Finn na wala ng balak si Firuzeh na magsalita. Bumaling siya sa direksyon kung saan naghihintay na ang espesyal na pagsasanay na nakalaan para sa kanya. Binigyan niya ng huling sulyap si Firuzeh at sinabing, “Maiwan na muna kita para masimulan ko na ang aking pagsasanay.”

Hindi na hinintay ni Finn ang tugon ni Firuzeh. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng nayon upang masimulan niya na ang kanyang pagsasanay.

Ang espesyal na pagsasanay na ito ay kapareha lamang ng unang bahagi ng pagtatasa, at ang tanging pinagkaiba lamang ay sa halip na puntos ang kanyang makukuha, natural na enerhiya ang ibibigay sa kanya ng mga diyablo sa oras na mapatay niya ang mga ito. Ang dami at kalidad ng natural na enerhiya ay depende sa lakas ng diyablo na kanyang mapapaslang.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now