Chapter XXIII

5.1K 1K 112
                                    

Chapter XXIII: The Expedition and the Soon-to-be Demon Empress

Nagpatuloy sa pagmamartsa ang mga kawal ng Crimson Guardian at Crimson Beast sa pangunguna nina Kyuru at Xernok. Sumunod ang mga adventurer ngunit kumpara sa malinis at maayos na hanay at pagmamartsa ng mga kawal, sila ay magulo at watak-watak. Magkakalayo ang bawat grupo at adventurer sa isa't isa. Hindi sila gumaya sa mga kawal na humanay at hinayaan naman sila nina Kyuru dahil imposibleng mapasunod nila lahat ang mga adventurer na kasali sa ekspedisyon.

Sa kanilang pag-alis, ang lungsod ay nagmistulang abandonado dahil halos lahat ng dating tumutuloy rito ay sumama sa ekspedisyon. Ilang mga adventurer at negosyante lamang ang natira--sila ang mga hindi nais na sumali sa ekspedisyon dahil sa sarili nilang rason.

Ang ilan sa kanila ay ayaw makisama sa iba at nais maglakbay ng sila lamang dahil wala silang tiwala sa iba habang ang mga negosyante ay gustong ipagpatuloy ang negosyo nila sa lungsod.

Sa pagkawala nina Kyuru at Xernok--ng mga dating namumuno sa lungsod, ang mga negosyante na ang naghati-hati sa mga teritoryo.

Sila na ngayon ang makikinabang sa lungsod, at hindi na nila kailangang magbayad ng buwis dahil sila na ngayon ang babayaran ng mga darating pang negosyante at adventurer.

Sa kabilang banda...

Ang malaking grupo ng ekspedisyon ay patuloy sa pagmamartsa patungo sa hilaga. Ilang kilometro na agad ang kanilang inilayo sa lungsod dahil sa bilis ng kanilang paglalakbay. Kahit na nakahanay, mabilis ang pagmamartsa ng mga kawal kaya hindi malabong malayo na agad ang marating nila sa oras na tumirik na ang araw.

Payapa ang kapaligiran. Walang kahit anong nararamdamang kakaiba ang mga naglalakbay, ganoon man, maingat pa rin sila at pinakikiramdam pa rin nila ang paligid. Hindi na bago sa bawat isa sa kanila ang biglaang paglitaw ng mga halimaw dahil simula noong makarating sila sa mundong ito, may mga kulupon ng halimaw ang umatake sa kanila mula sa kung saang lupalop.

Sa kasalukuyan, sumasabay ang grupo ni Finn sa mga adventurer na sumusunod sa mga kawal. Nasa pinakagitnang bahagi sila, at hanggang ngayon ay napapalibutan pa rin ang kanilang grupo ng Sound Concealing Skill upang hindi marinig ng iba ang kanilang usapan.

“Ayon sa mapa, bigla-bigla ang paglitaw ng mga halimaw. Walang eksaktong lokasyon, oras o panahon lilitaw ang mga halimaw. At ayon pa sa mapa, ang dami at lakas ng mga halimaw na lilitaw ay depende sa dami at lakas ng mga adventurer sa lokasyon na iyon,” tila ba nag-iisip na sabi ni Poll. “Mayroon kayang lilitaw na mga monstrous beast? O mararating natin ang isa sa dalawampung Beast King Forest?”

“Kahit ano naman doon ay makikinabang tayo. Nakakapanabik lang kung anong uri ng monstrous beast na may kaugnayan sa alchemy ang ating makakalaban. Hindi na ako makapaghintay na mahasa ang aking kakayahan at makabuo muli ng bagong pill sa pamamagitan ng mga sangkap mula sa mga monstrous beast,” nananabik na dagdag niya pa.

Umismid si Eon at mayabang na nagkomento, “Mas maganda kung pareho nating pagdaraanan ang ganyang pangyayari. Hangga't tungkol sa pakikipaglaban, ikapananabik ko iyon. Hindi na ako makapaghintay na masubukan ang aking bagong lakas. Nakakabagot gamitin iyon sa silid na wala man lamang kalaban.”

Hindi pa nila nasusubukan sa aktwal na labanan ang kanilang bagong lakas bilang mga Heavenly Emperor Rank at Heavenly King Rank dahil sa silid-pagsasanay sa lungsod lamang sila nagsanay. Walang kalaban doon, at wala rin silang mapuntirya kaya hindi sila sigurado kung gaano na sila kalakas ngayon.

Habangnagkukuwentuhan, nakaramdam sila ng kakaiba sa kanilang paligid. Napangiti sina Eon at Poll sa kanilang naramdamang mga aura na pumapalibot sa kanila ngayon.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now