Chapter XXVIII

4.9K 1K 73
                                    

Chapter XXVIII: Continuation of the Dispute

Nagtuloy-tuloy si Finn nang walang kahit anong hadlang sa kanya. Habang lumalapit siya sa halimaw, mas tumitindi pa ang namumuong marahas na enerhiya sa kanyang espada. Bumigat nang bumigat ang kapaligiran, at lumakas ang ihip ng hangin na nagresulta sa malaking buhawi. Nagliwanag ang kanyang kabuoan kasama ang espada, at nang tuluyang dumampi ang talim ng kanyang espada sa likuran ng halimaw na lobo, bumaon ito at para bang malambot na tinapay ang balat at kalamnan ng halimaw dahil hindi man lamang ito nahirapan na tumarak.

ROAR!!!

Umatungal nang sobrang lakas ang One-eyed Leowolf. Kitang-kita sa kanyang mata ang labis na paghihirap. Ang kanyang mata ay nagdurugo na habang ang kanyang katawan ay nagdurusa.

May lumitaw na imahe ng espada sa kalangitan. Bumulusok ito pababa, at tumama sa bahaging pinagtarakan ni Finn ng kanyang espada.

BANG!!!

Isang pagsabog ang umalingawngaw kasabay ng pagbaon ng katawan ng halimaw sa sahig. Nagkaroon ng mga bitak ang lupa, at ilang sandali pa, ang buong paligid ay napalibutan ng liwanag.

Sandali lang ang liwanag na ito dahil agad din itong nawala. Lumitaw ang pigura ni Finn na nakayukod sa likuran ng halimaw. Dahan-dahan siyang tumayo, at marahan niyang hinugot ang espada mula sa pagkakabaon nito sa loob ng halimaw.

Tumalon siya at muling tumapak sa lupa ang kanyang mga sapatos. Mabagal siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nina Poll, Eon at Paul. Nanumbalik na rin sa dating kulay ang kanyang mga braso. Muli nang nakadadaloy ang dugo sa kanyang mga ugat ngunit ramdam sa kanyang aura na medyo malaki na ang kanyang nakonsumong enerhiya.

Agad na natauhan si Paul mula sa kanyang pagkagulat at pagkamangha. Masyado siyang namangha sa ginawang atake ni Finn. Ang pagbulusok nito mula sa ere, ang pagtarak nito ng espada sa likuran ng halimaw, ang paglitaw at pagbulusok ng imahe ng espada sa mula kalangitan, at higit sa lahat ang pagsabog ng enerhiya sa loob ng halimaw. Alam niyang makapangyarihan ang atakeng iyon, kulang pa iyon sa puwersa para pumaslang ng malalakas na Heavenly Emperor Rank pero alam niyang sa oras na makatungtong si Finn sa mataas na antas ng Heavenly Emperor Rank, wala ng makapipigil sa kanyang adventurer na nasa Heavenly Emperor Rank.

Hindi na siya nagsalita pa. Agad siyang kumilos at lumapit sa bangkay ng One-eyed Leowolf bago pa siya maunahan ng ibang adventurer. Pinaghirapan itong paslangin nina Finn kaya hindi siya maaaring magpabagal-bagal.

Nagkasalubong sila ni Finn. Pansin niya pa rin ang katikasan sa binata. Marahil nanghihina ito sa pagkonsumo niya ng maraming enerhiya, pero iba ang pinapakita niya sa panlabas. Para bang punong-puno pa siya ng enerhiya at tila ba handa pa rin siyang lumaban.

Sa kabilang banda, huminto si Finn sa paghakbang nang makalapit siya kina Eon at Poll. Ang dalawang binatilyo ay nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata ng dalawa ang pagmamalaki, paghanga at pagkamangha habang nakatingin sa kanya.

“Master... ang atakeng iyon.. napaka-angas ng atakeng iyon, Master! Makapangyarihan at kamangha-mangha! Nakikita ko na ang potensyal ng atakeng iyon na sa oras na tumaas pa ang antas mo, mas lalakas pa iyon at mas magiging mapangwasak--kagaya ng pagsabog ng isang bulkan!” Humahangang sambit ni Eon.

Tumango-tango si Poll bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Eon. Tila ba nagniningning ang kanyang mga mata at nagpahayag din siya ng kanyang paghanga. “Tama! Isa iyon sa pinakamalakas--kung hindi man pinakalamakas na atake mo na nakita ko, Guro! Ano'ng pangalan ng skill na iyon? Maaari ko bang malaman?”

Nagpapatuloy pa rin ang labanan sa kanilang paligid, pero para bang nawala na ang lahat ng pangamba sa kanilang puso't isipan. Hindi na nila inaalala ang panganib ng kagubatan. Tapos na sila sa kanilang laban, at wala silang kalaban na malapit sa kanila kaya nakakapagpahinga na sila ngayon.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now