Chapter LI

5.4K 1.1K 93
                                    

Chapter LI: Next Step: The Chaotic Maze Garden!

Huminga si Finn pagkatapos ng kanyang walang hintong pagsasanay mula nang makausap niya si Ysir. Iisang araw pa lamang ang nakararaan ngunit natapos na agad siya sa kanyang pag-absorb sa mga soul enhancing pill na binuo nilang dalawa ni Poll. Sobrang bilis ng kanyang pagsasanay kumpara sa iba. Hindi rin naaapektuhan ang kanyang pundasyon kahit na napakarami niyang kayamanan na ginagamit. At napagtanto niyang naging ganito kabilis ang kanyang pagsasanay mula nang lumitaw ang asul na bato sa kanyang dibdib na sinasabi ni Munting Black na kapangyarihang ipinasa sa kanya ng kanyang ina.

Sa ngayon, wala na siyang supply ng soul enhancing pill, at kasalukuyan nang nasa 7th Level Heavenly Emperor Rank ang kanyang antas at ranggo. Ilang beses ang itinaas ng kanyang antas, ganoon man, hindi pa sapat ang antas na ito para sa kanya. Napakarami niya nang kayamaman na in-absorb, subalit hanggang dito lang umabot ang itinaas ng kanyang antas.

Gusto niya pang magpalakas, at isang paraan ang kanyang naisip para tumaas ang antas niya. Gusto niyang mag-eksperemento, at nais niyang alamin kung hanggang saan aabot ang pagiging matatag ng kanyang pundasyon.

Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala siyang naririnig na kahit ano bukod sa pagkulo ng mga daluyan ng asul na magma sa paligid. Napakapayapa ng kanyang paligid, at ang tanging nararamdaman niya lang ay ang pag-aaring aura ng kanyang mga kasama na kasalukuyan pa ring nagsasanay at nagpapataas ng antas.

Malapit nang maabot ni Eon ang antas na 8th Level Heavenly Emperor Rank. Kaunting-kaunti na lamang at maaabot niya na ang antas na maaari na siyang makipagsabayan sa mga Chaos Rank gamit ang kanyang mga kayamanan. Tungkol kina Paul at Poll, hindi magtatagal ay maaabot na nila ang 7th Level Heavenly Emperor Rank. Mas mabagal si Paul ng bahagya sa pag-absorb ng mga kayamanan dahil unang-una sa lahat, ang kanyang kasanayan sa kanyang foundation art ay hindi pa maipapantay sa kasanayan nina Poll at Eon.

Bumaling si Finn sa kinaroroonan ni Reden. Tiningnan niya ang orasan na nasa kamay nito bago niya muling ibinaling ang kanyang tingin sa kawalan.

"Mayroon pang kalahating linggo bago ang itinakda kong palugit para sa pagsasanay. Nauna akong matapos sa kanila, at ngayon... susubukan ko namang mag-eksperimento baka sakaling mayroon akong matuklasan tungkol sa kakaibang abilidad na ko na may kaugnayan sa mabilis na pag-absorb ng natural na enerhiya ng isang kayamanan," malumanay na sabi ni Finn habang nakatitig sa kawalan. "Hindi ko pa nauunawaan ang buo kong kakayahan sa pag-absorb ng natural na enerhiya mula noong ipasa sa akin ng totoo kong ina ang kanyang kapangyarihan. Madalas ay mga soul enhancing pill na walang gaanong masamang epekto ang aking ginagamit kaya hindi nababawasan ang katatagan ng aking pundasyon. Ano kaya kung subukan ko ang pag-absorb sa natural na enerhiya ng mga soul stone? Mayroon bang pagbabagong magaganap?"

Wala sa sariling tinatanong ni Finn ang kanyang sarili. Wala siyang kausap ngunit sambit siya nang sambit ng kanyang mga binabalak. Nais niyang pag-eksperimentuhan ang kanyang kakaibang kakayahan, at dahil gusto niyang malaman ang sagot sa kanyang mga tanong, kailangan niyang subukan ang kanyang binabalak.

Napakarami niyang soul stone sa kanyang mga kayamanan. Umaabot na marahil ng milyon ang mga ito. Ganoon man, hindi siya makasarili kaya wala siyang balak na gamitin ang lahat ng ito para sa kanyang pagsasanay. Balak niya lang gumamit ng maliit na bahagi ng mga top-grade soul stone na mayroon siya, at kung susuwertehin siya, maaaring may matuklasan siya na mapakikinabangan niya sa hinaharap.

Naglabas si Finn ng libo-libong top-grade soul stone. Ibinunton niya ito sa kanyang harapan hanggang sa magmistulan itong maliit na burol. At pagkatapos niyang maibunton ang libo-libong top-grade soul stone, umakyat siya patungo sa tuktok nito at payapang umupo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at itinuon ang atensyon sa pagkonekta sa mga soul stone. Pinakiramdaman niya ang mga ito, makaraan ang ilang sandali, sinimulan niya na ang kanyang pag-absorb sa natural na enerhiyang tinataglay ng mga soul stone.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now