Chapter LXXI

5.9K 1.1K 98
                                    

Chapter LXXI: Owing a Big Favor

Huminga ng malalim si Finn at inipon niya sa kanyang dayapragm ang enerhiya. Lumobo ang kanyang tiyan at bibig. Naipon ang mapangwasak na enerhiya sa kanyang katawan habang ang mga diyablo ay pasugod sa kanyang kinaroroonan. Pinoprotektahan siya ng tatlo niyang manika mula sa likuran at kanyang kaliwa't kanan. Hindi hinahayaan ng tatlo na siya ay malapitan ng mga diyablo mula sa ibang direksyon maliban sa kanyang harapan.

Nagbabadya ang malakas na atake mula sa kanya, nag-iipon lang siya ng sapat na enerhiya at naghihintay lang ng tamang oportunidad para pakawalan ang atakeng ito na uubos sa mga dumaragsang diyablo.

At nang makita niya ang tamang pagkakataon, ibinuka niya ang kanyang bibig at pinakawalan ang napakalakas na atungal ng isang dragon.

Heavenly Dragon Roar!

ROAR!!!

Kumawala sa kanyang bibig ang asul na berdeng imahe ng dragon. Walang habas nitong binangga ang mga diyablo, at lahat ng diyablong madidikit sa imahe ng dragon ay agad na naglalaho. Hinawi ng imahe ng dragon na ito ang mga diyablo. Nagmistulan itong walis na luminis sa mga alikabok na nakakalat.

Napakabilis ng paglalaho ng daan-daang mga diyablo. Walang nakaligtas sa lahat ng nadaanan ng imahe ng dragon, ganoon man, ang pagdagsa ng mga diyablo sa iba't ibang direksyon ay nagpapatuloy pa rin.

Makaraan pa ang ilang saglit, naglaho na ng tuluyan ang imahe ng dragon. Mahigpit na hinawakan ni Finn ang kanyang dalawang espada habang ang mapangwasak na pinag-isa niyang enerhiya ay aktibo pa ring nakapalibot sa kanyang kabuoan.

“Ilang oras mula ngayon ay lilitaw na ang isa sa tatlong 3rd Level Chaos Rank. Kailangan kong sulitin ang bawat sandali na hindi pa iyon lumilitaw. Kailangan ko pang mangolekta ng mas maraming puntos,” pabulong na sambit ni Finn habang nakatingin sa mga diyablong palapit na sa kanya. Sumugod siya patungo sa mga diyablo at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ang inyong taglay na puntos ay magiging akin na.”

[Seven Dual Blade Art, Second Skill: Dance of the Blade Master]

WHOOSH!

CLANG! CLANG!

Tila ba sumasayaw siya sa himpapawid habang inaatake ang mga diyablo. Walang diyablo ang makapigil sa pagwasiwas niya ng dalawa niyang espada, at lahat ng humaharang sa kanya ay alinman na namamatay o kaya ay tumitilapon at nagtatamo ng malubhang pinsala na hindi kalaunan ay nagiging dahilan din ng kanilang paglalaho.

Kahit isang linggo na, si Finn at ang mga miyembro ng New Order pa rin ang naghahari sa labanan. Wala pa ring namamatay sa kanilang grupo, ganoon man, marami na ang sugatan at pagod na kasalukuyang nagpapahinga at nagpapagaling sa nayon.

Marahil kakaunti lang sila sa grupo, pero ang kanilang kabuoang puwersa na sinasamahan ng maayos na plano at magandang pamumuno ay naging dahilan kung bakit umabot sila sa ganitong punto.

Kung wala silang maayos na plano, at kung basta-basta na lang sila pumapaslang, maaaring magtagal na lang sila ng ilang araw hanggang sa tuluyan silang maubos at hindi magtagumpay sa unang pagtatasang bahagi ng pagtatasang ibinigay ng may-ari ng mundo ng alchemy.

Makaraan ang ilan pang minuto, huminto si Finn sa kanyang pag-atake at agad siyang lumayo sa mga diyablo. Naramdaman niya na ang paglitaw ng 3rd Level Chaos Rank, ang paglitaw ng pinakahihintay niya.

Malapit lang sa kanya ang isang iyon kaya agad siyang nagtungo roon upang kalabanin ang diyablong may lakas na maikukumpara sa 3rd Level Chaos Rank.

Bago siya umalis, binigyan niya muna ng espesyal na misyon ang kanyang tatlong manika. Inatasan niya ang mga ito dahil mayroon siyang pinaghahandaang isang kaganapan na maaaring mangyari hindi kinalaunan.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now