Chapter XVII

5.2K 1K 162
                                    

Chapter XVII: Heavenly Emperor Rank and His Celestial Power (Part 2)

Ang kamalayan ni Finn ay kasalukuyang nasa loob ng kanyang soulforce coil. Pinagmamasdan niya ngayon ang kumikinang na limang bituin habang ang natural na enerhiyang mula sa huling Jade Fruit na pumapasok sa kanyang soulforce coil ay malinaw niyang nararamdaman. Nararamdaman niya na, nararamdaman niya nang malapit niya nang makamit ang aktwal na lakas ng isang Heavenly Emperor Rank.

Ang enerhiya ng Heavenly Emperor Rank, nararamdaman niya na iyon kahit na kasalukuyan pa lang siyang nasa 9th Level Heavenly King Rank.

Naubos niya na ang dalawampu't pitong Jade Fruit na nakalaan para sa kanyang pansariling pagsasanay, at tama siya sa nauna niyang tantya dahil nagawa niyang maabot ang ranggong 9th Level Heavenly King Rank sa ika-dalawampu't limang Jade Fruit. Alam niyang kakayanin ng dalawampu't pitong Jade Fruit na maabot ang 9th Level Heavenly King Rank mula 5th Level Heavenly King Rank.

At sa dalawang natitirang Jade Fruit, nag-eksperimento siya. Kinain niya pa ang dalawang Jade Fruit at sinubukang idagdag ito sa kasalukuyan niyang enerhiya sa loob ng kanyang soulforce coil subalit kaunti lang ang nagawa nitong pagkakaiba.

Nanatili pa rin siyang nasa Heavenly King Rank. Hindi siya naghihinayang sa kanyang pag-e-eksperimento dahil doon niya na kung gusto niyang maabot ang Heavenly Emperor Rank, ang pinakamabisa niyang paraan ay ang pagkain ng Supreme Emperor Pill.

Pinagmasdan muna ni Finn ang ika-anim na bituin. Hindi pa ito kasing-liwanag ng limang bituin ngunit hindi na rin ito nalalayo. Makaraan ang ilang sandali, ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumalik na ang kanyang kamalayan sa realidad.

Ang pagbunsod ng kapangyarihan ni Finn ay naging malaki sa pagkakataong ito. Hindi pa matagal mula noong makatapak siya Heavenly King Rank, pero ngayon, nalalapit niya na namang makamit ang susunod na ranggo.

Kumonsumo lamang siya ng ilang oras para maabot ang 9th Level Heavenly King Rank mula 5th Level Heavenly King Rank, at sigurado rin siya na kapag kinain niya ang Supreme Emperor Pill, magiging mabilis lang din ang kanyang pag-absorb sa enerhiya nito.

Ito ang kanyang ikinatutuwa sa kanyang pambihirang katangian. Malaking kalamangan niya ito sa iba, at dahil na rin sa bilis ng kanyang pagpapataas ng antas at ranggo, sigurado siyang mayroon pa siyang panahon para magsanay ng ibang skill habang sina Eon, Poll at Paul ay abala sa pag-absorb sa kanilang mga Jade Fruit at Supreme Emperor Pill.

Bumaling si Finn sa orasan sa kanyang tabi. Dinampot niya ito at pinagmasdan ang mga ang mga numero rito.

“Walong oras... Masyadong naging mabilis ang aking pag-absorb. Siguradong mas magtatagal pa sina Eon at Poll bago sila makarating sa 9th Level Heavenly King Rank,” pabulong niyang sambit.

Ibinaba niya muli ang orasan at dinampot ang isa sa tatlong bote ng Supreme Emperor Pill. Binuksan niya ito at inilagay ang laman nito sa kanyang palad. Inilapag niya ang walang lamang bote at itinuon ang kanyang atensyon sa pill na kasalukuyan niyang pinaglalaruan sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalaki.

Ang pill na ito ay may malinaw na lilang kulay. Ang amoy nito ay matapang, at naglalabas din ito ng aura ng isang emperor grade pill, at nasa karurukan na ito ng gradong iyon. Burado na ang diwa ng pill na ito kaya hindi na nito magagawang makatakas pa. Naghihintay na lang ito na makain para masimulan na ng binata ang kanyang pagsasanay.

Pagkatapos pagmasdan sandali, kinuyom niya ang kanyang kamay. Isinubo niya ang pill sa kanyang bibig at muling ipinikit ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang pill na dere-deretsong bumababa sa kanyang lalamunan. Nararamdaman niya na ang marahas na enerhiyang nakapaloob dito ay unti-unti na ngayong kumakalat sa kanyang soulforce pathway.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now