Chapter XIII

4.9K 1K 67
                                    

Chapter XIII: Unmatched and the Agreement

Pinagmasdan ni Klaws ang isang punong napalilibutan ng mapaminsalang kidlat at hangin. Hawak-hawak niya sa kanyang dalawang kamay ang dalawang prutas na napalilibutan din ng mga boltahe ng kuryente. Ipinasok niya ito sa loob ng kanyang interspatial ring, at makaraan ang ilang segundo, tinalikuran niya na ang puno at marahang naglakad palayo rito. Ang kanyang katawan ay makikitaan ng mga galos, pero ang kanyang aura ay walang pagbabago--punong-puno pa rin siya ng buhay at ang kanyang enerhiya ay masigla pa rin.

Walang protektor o bantay na halimaw ang Chaotic Tree. Nakapagtataka ito kung tutuusin sapagkat ang ganitong kayamanan ay dapat binabantayan ng mga halimaw na gusto ring makaapak sa Chaos Rank o mas mapataas pa ang kanilang antas. Malayang nakuha ni Klaws ang dalawang Chaotic Fruit nang walang kahirap-hirap na tila ba isa lamang itong biyayang pumatak mula sa kalangitan. Halos wala siyang naging balakid, ang nagpahirap lang talaga sa kanya ay ang paghahanap sa puno at ang banta ng mga adventurer na gaya niya ay ang pakay rin ay ang Chaotic Fruit.

Muling nakabalik si Klaws sa lugar kung saan sila naglabang dalawa ni Yashiro. Muli niyang nakita ito na nakahilata sa sahig at nagpipilit na sumandal sa malaking ugat ng isang puno.

Sugatan si Yashiro at ang kanyang isang mata ay nakapikit na. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo, at bakas na bakas sa kanyang paghinga na pagod na pagod siya. Nanginginig din ang kanyang buong katawan, at ang kanyang aura ay sobrang hina na. Nasa punto siya ng buhay niya kung saan pinakamahina siya, at kahit ang isang mahinang adventurer o halimaw ay kaya siyang patayin.

Hindi siya sinulyapan ni Klaws, dinaanan siya nito at nang makalampas ito sa kanya, pilit siyang nagsalita upang kuhanin ang atensyon nito. “Hindi ko matatanggap ang aking pagkatalo... Paanong... Paanong matatalo ako ng isang hamak na 8th Level Heavenly Emperor Rank?! Isa akong 9th Level Heavenly Emperor Rank..!!” Dahil sa kanyang pilit na pagsasalita, napaubo siya ng marahas. Umubo siya ng dugo subalit wala siyang pakialam.

Makikita pa rin ang galit at hindi pagtanggap sa kanyang nakamulat na mata. Matalim niyang tinitingnan ang pigura ng likuran ni Klaws. Nakita niyang huminto ito sa paglalakad kaya natigilan siya. Nakaramdam siya ng bahagyang takot dahil naramdaman niya ang mabigat na aura ni Klaws, ganoon man, nilakasan niya ang kanyang loob at buong tapang na naghintay sa maaaring nangyari.

“Dapat ay magpasalamat ka na lang dahil binuhay kita. Hindi ka ba nangangamba na dahil sa iyong pagmamalaki at pagmamatigas ay baka paslangin kita?” sabi ni Klaws nang hindi tumitingin kay Yashiro. “Hindi na kailangan ng eksplanasyon kung sino ang mas malakas sa ating dalawa. Hindi mo ako kayang tapatan dahil hindi tayo magkapantay,” dagdag niya pa.

Natigilan si Yashiro. Ang kanyang lubusang pagkatalo ay malaking sampal sa kanya. Totoong natalo siya kay Klaws, at ang pagkatalong iyon ay hindi na kailangan pang ipaliwanag dahil natalo siyang wala man lamang nagawa. Hindi niya kayang tapatan si Klaws dahil ang katotohanang higit na mas talentado at mas malakas si Klawd sa kanya ay malinaw na.

Ganoon man, inalis niya ito sa kanyang isipan at iniba ang usapan. “Hindi ako mangangamba dahil alam kong wala kang lakas ng loob na paslangin ako! Kung papatayin mo ako, malalaman ni Guro na ikaw ang pumatay sa akin! At ang iyong buhay ay siguradong malalagay sa bingit ng kamatayan kapag nangyari iyon!” Matapang na tugon ni Yashiro.

Hindi agad tumugon si Klaws sa sinabi ni Yashiro, at ilang sandali pa, humarap siya rito at makikita sa kanyang mga mata ang panghahamak. Malapad din ang kanyang ngiti, at malamig ang kanyang ekspresyon.

“Sino'ng may sabi sa iyo na natatakot o nangangamba akong pumaslang ng gaya mong may hindi pangkaraniwang katauhan sa Crimson Lotus Realm? Hangal ka kung iniisip mong hindi kita kayang paslangin. Hindi ako natatakot sa kahit na sino sa inyo dahil hangga't makabuluhan ang dahilan, papaslang ako,” malamig na sabi ni Klaws. Inilahad niya ang kanyang kamay at muling nagpatuloy, “Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking guro bago ako maglakbay patungo sa lungsod ng Innogon. Sinabi niya sa akin na paslangin ko ang sinomang nararapat na paslangin, at sinabi niyang siya ang bahalang pumrotekta sa akin. Kung papaslangin kita ngayon... sa tingin mo ba ay kikilos ang iyong guro upang ipaghiganti ka? Hindi ikaw si Myogin Yoime, ikaw si Yashiro Demyu--ang laging pangalawa at kailan man ay hindi naging una sa mga mata ni Jinja Heruin. Alamin mo ang posisyon mo.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now