Chapter LXXXII

5.8K 1.2K 165
                                    

Chapter LXXXII: Last Part of the Trial: Protect the Alchemist

Karamihan sa mga manonood ay walang maintindihan sa mga sinasabi ng lalaki, kahit ang mga alchemist na kalahok ay hindi maunawaan ang mga salitang binabanggit ng may-ari ng mundo na kanilang ginagalawan. Hindi nila alam ang tungkol sa Body and Soul Pill na isang ancestor grade pill, at hindi nila maintindihan ang tungkol sa pagsalungat nito sa batas ng buhay at kamatayan. Wala silang ideya, ganoon man ang tanging tumatakbo lang sa isip ng karamihan hanggang sa ngayon ay ang pagiging alchemy ancestor ni Poll.

Kung talaga ngang alchemy ancestor na si Poll, ibig sabihin ay isa siyang mahusay at ekspertong alchemy emperor bago pa man magsimula ang ikalawang bahagi ng pagtatasa. At ang tanging ibig sabihin lang noon, simula pa lamang ay malinaw na kung sino ang mananalo at makakakuha ng malaking puntos sa lahat ng kalahok na alchemist.

Napakabata pang tingnan ni Poll para maging isang alchemy ancestor, at dahil na rin sa kanyang edad, hindi halata sa kanya na isa siyang mahusay na alchemist. Ganoon pa man, totoo nga talaga ang kasabihan na ang hitsura ay mapanlinlang. Hindi magandang husgahan ang isang nilalang base sa hitsura at edad nito dahil hindi iyon ang basehan kung sino ang may kakayahan at kung sino ang wala.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang karamihan sa mga nangyayari sa pagtatasa. Sa unang bahagi, nakakolekta si Finn ng mahigit limang daang libong puntos ganoong napakahirap makakuha ng ganito karaming puntos dahil sa ilang komplikasyon.

At ngayon, si Poll, na miyembro rin ng New Order ay isang alchemy ancestor na bumuo ng isang pambihirang pill na maging ang may-ari ng mundo ng alchemy ay pinupuri siya nang walang pagpipigil

Nakuha na ng New Order ang atensyon ng lahat. Bawat isa ay tinitingala at kinaiinggitan na ang grupong ito dahil sa napakarami nitong himala at kahanga-hangang naipamalas.

Nanatiling kalmado si Poll kahit pa maraming matang mapanuri ang nakatingin sa kanya. Deretso pa rin ang tingin niya sa lalaki, at matamis na ngiti ang mababakas sa kanyang labi.

“Isang karangalan sa amin na mabigyang-pansin ng isang kagalang-galang na nilalang. At hindi na rin nakapagtataka na alam mo ang tungkol sa Body and Soul Pill dahil kung hindi ako nagkakamali, isa kang respetadong alchemist mula sa mas malaking mundo,” hayag ni Poll. “Para malaman sa isang tingin lamang ang kalidad, uri at kakayahan ng isang pill, higit na mas kahanga-hanga ka pa sa isang alchemy ancestor,” aniya pa.

“Isa lang iyong pangunahing kakayahan ng isang alchemist na dapat pinag-aaralan,” simpleng tugon ng lalaki. Inilahad niya ang kanyang palad kay Poll at nagpatuloy sa pagsasalita, “Pero, kung iyong pagbibigyan ang isang tulad ko, maaari ko bang aktwal na suriin ang Body and Soul Pill na iyan? Isa iyang rank 1 ancestor grade Body and Soul Pill, at mayroon akong napansing kakaiba riyan kaysa sa pangkaraniwang Body and Soul Pill na nakita ko noon.”

Bahagyang tumango si Poll. Wala pag-aalinlang niyang iniabot sa lalaki ang bote na naglalaman ng binuo niyang Body and Soul Pill. At nang makuha ito ng lalaki, pinagmasdan niya muna ang bote at pill na nasa loob nito ngunit hindi niya agad ito binuksan upang suriin.

Marahil natatakluban ang kanyang mga mata ng saklob ng kanyang balabal, pero dahil hindi siya pangkaraniwan at sa kakaiba niyang kakayahan, malinaw niyang nakikita ang lahat kahit pa nahaharangan ang kanyang paningin.

Habang pinagmamasdan ng lalaki ang bote, ang lahat ay naghihintay sa sasabihin nito. Gusto nilang maliwanagan kung ano ang Body and Soul Pill, at kung bakit tinatawag itong kayamanan na sumasalungat sa batas ng buhay at kamatayan. Interesado silang malaman kung ano ang magiging hatol ng lalaki sa pill ni Poll, at nais nilang malaman kung hanggang ilang puntos ang aabutin nito.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now