Chapter XXXVI

4.7K 1K 83
                                    

Chapter XXXVI: Agreement

Pinagmasdan ni Finn si Klaws. Biglaan ang pagpapahinto sa kanila ni Klaws, at wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit pa sila pinahinto nito. Ayaw ni Finn na masayang ang kanilang oras, lalo na ngayong nalaman nilang narito si Klaws sa lugar na ito. Ang dalang implikasyon nito sa bulkan ng Bluemir ay malaki dahil sa mga impormasyong nakalap ni Paul, kasalukuyang hinahabol ng mga malalakas na adventurer si Klaws para makuha mula sa kanya ang dalawang Chaotic Fruit.

Ibig sabihin, hindi magtatagal ay may mga adventurer na darating sa lugar na ito. Marami ang makakahati nila sa kayamanan kaya habang maaga pa, balak niya nang magmadali upang mas marami silang makolektang kayamanan.

Kung dudumugin ng mga adventurer ang bulkang ito, malaking problema iyon sa grupo ni Finn, at ayaw niyang mahuli ang lahat bago pa mangyari iyon. Ganoon man, nanatili siyang tahimik habang naghihintay sa sasabihin ni Klaws. Kahit na nagmamadali siya, interesado pa rin siyang pakinggan ang mga sasabihin ni Klaws.

Gusto niyang malaman kung ano ang balak nito. Pero, nanatiling tahimik si Klaws nang halos isang minuto. Malinaw na malalim itong nag-iisip, at bakas sa kanyang mga mata ang komplikasyon.

Agad na nakaramdam ng inip si Finn kaya hindi niya na napigilang magsalita.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, hindi ba? Gagawin namin ang aming plano habang gawin mo ang balak mo. Kung wala kang sasabihin, huwag mo nang sayangin ang oras namin,” paglalahad ni Finn.

Taimtim ang ekspresyon ni Klaws. Malalim pa rin siyang nag-iisip ngunit nang mapagtanto niyang magpapatuloy na muli sina Finn sa paglalakad, muli siyang nagwika, “Hindi n'yo ba alam na nasa kamay ko ang dalawang Chaos Fruit..? Hindi n'yo ba alam ang balitang ito na kumalat na halos at nagpasalin-salin na sa ibang mga adventurer..?”

Ang makuha ang Chaos Fruit ang pinapangarap ng naparaming adventurer--lalong-lalo na ang mga adventurer na napakatagal ng panahon sa 9th Level Heavenly Emeperor Rank, at wala ng pag-asa na makaangat pa sa susunod na ranggo. Ang prutas na ito ay natural na pag-aagawan ng napakaraming adventurer, at kung sa Crimson Lotus Realm man ito mapasakamay ni Klaws, marahil walang maghahabol sa kanya dahil sa presensya ng kanyang guro na si Drotey.

Ganoon man, hindi maintindihan ni Klaws kung bakit walang pakialam sina Finn, o talaga lang walang alam ang mga ito na nasa kamay niya ang dalawang Chaos Fruit.

Nanatiling walang pagbabago sa ekspresyon ni Finn. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad niya nang sinagot ang tanong ni Klaws.

“Alam namin na ikaw ang nakapitas sa dalawang bunga ng Chaotic Tree, pero ano naman? Wala iyong kaugnayan sa amin kaya hindi mo na dapat itinatanong ang bagay na iyan sa amin,” tugon ni Finn.

“Hindi kayo interesado sa Chaotic Fruit? Sa kalagayan ko, mayroon kayong tsansa na makuha mula sa akin ang mga prutas na iyon. Pero bakit parang wala kayong pakialam sa mga kayamanang hinahangad na makuha ng halos lahat ng adventurer na nasa mataas na antas ng Heavenly Emperor Rank?” Taimtim na ekspresyong tanong muli ni Klaws.

“Kung ang pagtatanong ng mga ganyan ang dahilan kung bakit mo kami pinahinto, talagang sinasayang mo ang oras namin. Gano'n man, magiging tapat ako at mabuti sa pagkakataong ito,” ani Finn. “Hindi ko ikinakailang interesado ako at hinahangad din namin ang Chaotic Fruit na may kakayahang paangatin ang ranggo namin patungo sa Chaos Rank sa oras na dumating ang tamang panahon. Subalit...”

“..hindi ko kailan man dudungisan ang kamay ko. Hindi ko nanakawin ang kayamanang pagmamay-ari ng iba. Kung ninakaw mo iyan sa iba, at kung hindi karapat-dapat sa iyo ang kayamanang iyan, marahil gagawa ako ng paraan para makuha ang dalawang Chaotic Fruit mula sa iyo,” aniya pa.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now