Chapter X

5.2K 1K 97
                                    

Chapter X: They asked for it

Ang kapayapaan at katahimikan ay nangibabaw sa kagubagan. Ihip lang ng hangin ang maririnig at ang pagaspas ng mga dahon. Walang kahit anong halimaw ang naroroon, at wala ring mga insekto na nagpapaingay sa paligid. Tila ba nakabibingi ang katahimikan, ganoon pa man, sa iba ay biyaya ang ganito kapayapang lugar dahil maitutuon lang nila ang kanilang atensyon sa kanilang pagsasanay at pagninilay-nilay.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Umihip ang malakas na hangin at gumalaw ang mga sanga at dahon sa puno. Pitong pigura ang kasalukuyang tumatalon-talon sa mga sanga ng puno. Mabilis ang kanilang pagtalon, at deretso lang paglalakbay patungo sa isang direksyon.

Ito ang grupo nina Finn, at kasalukuyan silang patungo sa kabundukan upang alamin at lakbayin ang nasa likod ng mga bundok na ito.

Natapos na si Finn sa paggawa ng mga Supreme Emperor Pill, pero hindi pa nila ginagamit iyon sa ngayon. Ang plano ng binata ay gamitin iyon sa oras na makatapak ang sino man sa kanilang apat 8th Level Heavenly King Rank.

Gustong masiguro ni Finn na maaabot nila ang Heavenly Emperor Rank sa pamamagitan lamang ng isa o dalawang Supreme Emperor Pill. Kailangan pa rin nilang magtipid dahil limitado lamang ang kabuoang bilang ng nagawa ni Finn na Supreme Emperor Pill.

Sa ngayon, itutuon muna nila ang kanilang atensyon sa pakikipaglaban at paglalakbay. Hindi na rin muna binigyan ni Finn sina Eon, Poll at Paul ng soul stone dahil masyado na silang dumedepende sa mga kayamanang iyon para lumakas. Ang kailangan muna nila ngayon ay ang natural na enerhiya mula sa kapaligiran upang masiguro na ang kanilang mga pundasyon ay matatag at matibay.

Bukod pa roon, nabigyan na rin ni Finn ang tatlo niyang kasama ng mga Multi-colored Explosive Pill. Humingi lang ang mga ito ng tig-dadalawang daang piraso habang itinabi na lang niya ang natitira.

“Wala talagang mga halimaw sa kagubatang ito. Nakapagtatakang dito pa nagmula ang kulupon ng mga halimaw na umatake sa lungsod ngunit ngayon, kahit anino ng isang halimaw ay wala rito..” sabi ni Poll habang nakasunod kay Finn.

“Ang kanilang biglaang paglitaw marahil ay may kaugnayan sa gumawa ng mundong ito. Marahil mayroong nag-uutos sa mga halimaw na umatake o mayroong kumokontrol sa kanila,” sambit ni Finn. Sinulayan niya sina Eon at Poll at nagpatuloy, “Gano'n man, kapansin-pansing karamihan sa mga monstrous beast na kabilang sa kulupon ay mga halimaw na nagtataglay ng mga sangkap at materyales sa pagbuo ng Multi-colored Explosive Pill.”

Napakunot ang noo ni Eon at bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. “Ano'ng ibig mong sabihin, Master?” Tanong niya.

Bahagyang umiling si Finn at tumugon, “Mayroon lang akong naiisip, pero masyado pang maaga para magbigay ng konklusyon. Iilang araw pa lamang tayong naririto, at iisang beses pa lamang tayo nakakakalaban ng mga halimaw sa mundong ito. Sa ngayon, maging alerto tayo dahil hindi natin sigurado kung ano ang totoong panganib na mayroon dito.”

--

“Paano nangyari iyon?” Tanong ni Hermec sa limang kilalang formation master na nasa kanyang harapan. “Ibig sabihin, kahit kayong mga pinakamahuhusay na formation master ay walang magawa sa kababalaghang nangyayari? Paanong wala kayong ideya sa biglang pagsasara ng lagusang iyan? Kayo ang nagsabi sa amin na ligtas ang pagpasok sa mundo sa likod ng lagusan na 'yan,” aniya pa.

Hindi na magawang mapanatili ni Hermec ang kanyang pagkamahinahon. Masyadong malala ang nangyayari ngayon, at hindi na lang ito basta usapin tungkol sa oportunidad sa mundo sa loob ng lagusan, usapan na rin ito patungkol sa hinaharap ng buong Crimson Lotus Realm.

“Alam n'yo ang magiging kapalit kapag hindi bumukas ang lagusan at hindi nakabalik ang mga adventurer na pumasok doon. Halos kalahati ng mga adventurer sa Crimson Lotus Realm ay pumasok sa lagusan, at ang mas malala pa, sila ang mga henerasyong kailangan ng ating mundo para sa mas magandang hinaharap. Mahigit kalahati rin ng Crimson Lotus Alliance ang pumasok sa lagusan... at kung may mangyayaring masama sa mga talentadong batang adventurer ng kasalukuyang henerasyon, siguradong katapusan na ng mundo,” malamig na sabi ni Hermec.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now