Chapter XCIII

6.9K 1.2K 270
                                    

Chapter XCIII: Unmatched Talent and Skills

Lahat ay na-surpresa sa rebelasyong naganap. Marami ang lubusang hindi makapaniwala, habang may ilan na nauunawaan na posible rin ang pangyayaring si Finn ang mismong pambatong alchemist ng kanyang pinamumunuang grupo. Ang tanging tanong na lang nila sa kanilang sarili ay kung bakit hindi lumahok si Finn sa ikalawang bahagi ng pagtatasa, bakit hindi siya lumahok ganoong maaari rin siya at ang kanyang mga kasamahan na magkamit ng puntos.

Dahil ba hindi siya magaling na alchemist? Dahil ba mababa ang kanyang ranggo, at wala siyang masyadong alam sa larangang ito, at ayaw niyang mapahiya sa mata ng maraming adventurer?

Ito ang mga tanong na tumatakbo sa isip ng karamihan. Nahihiwagaan sila't naguguluhan. Gusto nilang malaman ang kasagutan.

Pinaniwala ng New Order na si Poll lang ang nag-iisa nilang alchemist kaya bawat grupo na kalahok sa kompetisyon ay inisip na si Poll pa rin ang pambato nilang alchemist. Isa itong panlilinlang, at lahat ng sampung grupo ay nalinlang--lalong-lalo na ang Crimson Guardian at Crimson Lotus na masyadong pinagtuunan ng pansin si Poll na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

Ganoon man, bukod sa mga tanong at palaisipang ito, napagtanto rin ng karamihan na sobrang hirap talunin ng New Order dahil sa kanilang natuklasan.

Tinatanggap na ng nakararami na si Finn ang pinakamalakas na kalahok sa kompetisyong naganap, at walang makatalo sa kanya kahit pa si Hasiophea o ang pinagsamang lakas nina Geyaj at Zrimbo. Kung hindi siya matatalo, hindi rin matatalo ang New Order. Masyadong mahirap talunin si Finn dahil sa kanyang kakayahan na mabilis magpagaling, at higit sa lahat, sa kanyang pambihirang lakas at dami ng enerhiya.

Para bang hindi siya matatalo ng kahit na sinoman, kahit pa siya ay pagtulungan dahil laging nariyan ang kanyang mga manika para siya ay tulungan na harapin ang iba pang kalaban.

Tuluyang naglaho ang mga miyembro ng New Order sa lugar na pinagganapan ng kompetisyon. Napunta sila sa malawak na entablado sa kalagitnaan ng labing isang isla, at maging ang mga miyembro ng New Order na nasa isla ay nalipat din sa entablado.

Ang lahat ng imahe sa himpapawid ay sila ang ipinapakita. Mas lalong nakaramdam ng inggit ang ibang adventurer habang pinagmamasdan ang bawat miyembro ng New Order. Nakatatanggap ang mga ito ng pagkilala dahil sa kanilang pagkapanalo, pero ang mas kinaiinggitan nila ay ang puntos na natanggap ng bawat miyembro ng New Order.

Limang daang libong puntos para sa bawat miyembro ng New Order! Ang bilang ng puntos na iyon ay talagang kainggit-inggit sapagkat napakaraming kayamanan na may magagandang kalidad na ang kanilang maipapalit gamit lamang ang mga puntos na iyon!

Ang mga miyembro ng grupong nakakuha ng ika-apat hanggang ika-labing isang puwesto ay matinding inggit ang nararamdaman habang iniisip na ang bawat miyembro ng New Order ay mayroong limang daang libong puntos na papremyo. Nakatanggap lamang ang bawat isa sa kanila ng dalawampung libong puntos, wala pa sa kalingkingan ng natanggap ng bawat miyembro ng New Order.

Pakiramdam nila ay pinagkaitan sila ng langit at lupa, pero wala silang masisi kung hindi ang kanilang sarili dahil alam nila sa kanilang sarili na masyado silang mahina, at wala silang gaanong na-i-ambag sa kanilang grupo.

Tungkol sa mga miyembro ng Crimson Guardian na nakakuha ng isandaang libong puntos ang bawat miyembro, naiinggit din sila sa mga miyembro ng New Order, pero mas nangingibabaw ang panghihinayang sa puso ng karamihan dahil sila ang unang natanggal sa kompetisyon sa halip na ang grupong Crimson Lotus. Kung sila ang nakakuha ng ikalawang puwesto, sana ay dalawandaan at limampung libong puntos ang makukuha ng bawat isa sa kanila.

Makaraan ang ilang saglit, ang pinakamalaking imahe ay nagbago at napalitan ng pigura na ipinapakita.

Lumitaw muli ang lalaking nakasuot ng asul na berdeng balabal, at kitang-kita ng mga adventurer na naroroon ang masayang ngiti sa labi ng lalaking ito.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now