Chapter XXVII

4.7K 1K 72
                                    

Chapter XXVII: Almighty Punishment Thrust

Tumilapon si Finn at nagpagulong-gulong ang kanyang katawan sa lupa. Nagawa niyang makabalanse at muling makatayo. Hawak niya ng mahigpit sa isa niyang kamay ang kanyang espada habang ang kanya namang isang braso ay hindi niya maigalaw dahil nagkabali-bali ang buto niya rito. Nakararamdam siya ng kirot at hapdi ngunit nananatiling blanko ang kanyang mga mata habang nakatitig sa adventurer na palihim na umatake sa kanya.

Isa itong lalaking may tamang laki ng pangangatawan. Maputla ang balat nito at ang mga mata nito ay nanghahamak habang nakatingin kay Finn. Nakangiti ito sa binata, at ilang sandali pa, lumitaw ang mga kasama nito at inatake nila ng sabay-sabay ang White Spiderlion. Pagkatapos nila itong patayin, kinuha nila ang bangkay ng halimaw at agad na umalis sa lugar na iyon.

Dumating sina Eon at Poll sa tabi ni Finn. Mababakas ang labis na pag-aalala kay Poll habang si Eon ay makikitaan ng matinding galit sa kanyang labi at mga mata.

“Ayos ka lang ba, Guro?!” Nag-aalalang tanong ni Poll at agad niyang tiningnan ang braso ng binata.

“Pangahas sila! Ang lakas ng loob nilang atakihin at pagnakawan ka, Master! Hindi ako makapapayag sa ganito! Susugurin ko sila!!” Nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Eon.

Umayos ng tayo si Finn. Pansamantala niyang itinago ang kanyang espada sa kanyang interspatial ring at hinawakan ng mahigpit sa balikat si Eon upang hindi ito matuloy sa kanyang binabalak na pagsugod.

[Water Sage Art's Unique Skill: Water Body]

Naging tubig ang nabaling braso ni Finn at sa isang iglap muli siyang nakaramdam ng ginhawa dahil ang nadurog niyang mga buto ay muli ng nabuo. Iniangat niya ang kanyang nabaling braso kanina at binukas-sara ang kanyang palad.

Naging malamig ang ekspresyon sa mga mata ni Finn habang nakatingin siya sa kawalan.

“Miyembro sila ng Nightrage Gang. Huminahon ka muna ngayon dahil pagkatapos ng gulong ito, doon ako babawi sa umatake at nagnakaw sa akin,” walang emosyong sambit ni Finn.

“Pero, Master!” Hindi pa rin naiibsan ang galit ni Eon kahit na maayos na ang kalagayan ng kanyang master. Gusto niyang maghiganti, hindi siya makapapayag na ganoon na lamang nila palalampasin ang lahat habang sariwa pa ito.

“Mas mahalaga ang paglaban sa mga halimaw sa ngayon. Hindi ako ang tipo na hahayaan na lamang ng basta-basta ang ginawang pag-atake at pagnanakaw sa akin,” malumanay na sabi pa ni Finn. “Ngayon, huminahon ka na at ipagpatuloy na natin ang ating pakikipaglaban.”

Nagngitngit ang mga ngipin ni Eon. Matalim ang kanyang tingin sa direksyon kung saan tumakbo ang umatake sa kanyang master. Hindi niya matanggap na hindi agad siya nakagawa ng hakbang. Tumilapon siya kanina dahil sinalag niya ang atake ng White Spiderlion kaya hindi niya natulungan ang kanyang master. Ganoon man, dahil pinipigilan na siya ngayon ng kanyang master, wala siyang magagawa kung hindi ang huminahon at magpigil.

--

Lumapit si Senbo kay Tayk at mababakas ang ngiti sa kanyang labi. Magulo ang kanilang paligid at nakikipaglaban ang bawat miyembro ng Nightrage Gang habang silang dalawa ay nakatayo lamang habang nanonood sa mga nangyayari.

“Nagawa mo ba ang ipinagagawa ko, Senbo?” Tanong ni Tayk kay Senbo.

“Siyempre naman, Pinuno, ako pa ba?” Nakangising tugon ni Senbo. “Naturuan ko na ng leksyon ang grupong nagpahiya sa inyo. Nakuha rin namin ang kanilang pinupuntiryang 4th Level Heavenly Emperor Rank na White Spiderlion. Sigurado akong nagkabali-bali na rin ang buto ng isa sa kanila matapos ko siyang atakihin ng palihim,” paglalahad niya pa.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon