Chapter V

5.2K 1.2K 110
                                    

Chapter V: Danger and Treasures

Kahit na ilang oras na ang lumipas, ang bilang ng mga halimaw ay tila ba hindi nababawasan. Nananatiling napakarami nito, at hanggang ngayon ay dumadagsa pa rin ang mga halimaw na ito mula sa kagubatan. Nilalabanan ng mga halimaw ang mga adventurer na humaharang sa kanilang dinaraanan. Sinisira rin nila ang mga gusali sa lungsod, at wala silang tigil sa pagwawala habang ang mga adventurer na naroroon ay patuloy ang pagpaslang sa mga halimaw para sa kayamanan at upang mapigilan ang mga ito na wasakin ang lungsod ng tuluyan.

Patuloy pa rin ang pangbibiktima ni Finn sa mga pabo. Marami na siyang nakolektang bangkay ng mga ito subalit karamihan doon ay mga Heavenly Knight Rank at Heavenly Lord Rank lamang. Iilan pa lang ang napapatay niyang Heavenly King Rank na Crystal Eyes Turkey, at lahat ng ito ay nasa mababang antas ng Heavenly King Rank--mga nasa 1st Level at 2nd Level lamang.

Sa kasalukuyan, ang puntirya ngayon ni Finn ay ang limang pabong nasa pagitan ng lakas na 1st Level hanggang 3rd Level Heavenly King Rank. Pinahabol niya ang mga ito patungo sa lugar kung saan malayo sa karamihan. Si Eon ang umagaw sa atensyon ng ibang halimaw na sumusunod sa binata kaya mas lalong napadali para sa kanya na labanan ang mga pabo nang walang inaalalang balakid.

Kanina niya pa nilalabanan ang mga ito. Ilang oras na ang lumipas pero dahil nagtutulungan ang mga ito para siya ay atakihin, nahihirapan siyang makalapit upang mapugutan ng ulo ang mga pabo.

Pero, wala siyang pakialam. Unti-unti niyang napupuruhan ang bawat isa sa lima. Nagtamo na rin ang bawat isa rito ng pinsala, at mahahalata sa mabagal na pagkilos at pag-atake ng mga ito na sila ay pagod na at hirap nang lumaban.

Kinuha ni Finn ang pagkakataong ito para ihanda ang kanyang pantapos na atake. Tumalon siya at pabaligtad na umikot sa ere.

“Kayamanan na ang kusang lumalapit sa amin...” suminghal si Finn at inipon ang enerhiya sa dalawang Ancient Overlord Sword. “Kung gano'n, hindi kami magsasayang ng oportunidad sa mundong ito. Kayo ang unang sumugod at nanggulo kaya pasensyahan tayo,” pabulong na sabi ni Finn.

[Water Sage Art: Water Blade!]

Nagkulay asul ang talim ng dalawa niyang espada. Mas lalo pang tumindi ang aura ng mga ito. Ilang sandali pa, naipon ang marahas na enerhiya sa bawat isa rito at muli, pumihit at pumadyak si Finn sa ere upang sugurin ang mababangis na pabo.

[Seven Dual Blade Art, Second Skill: Dance of the Blade Master!]

Pinasadahan niya ng mabilis at ma-puwersang wasiwas ang limang pabo. Sa lakas at enerhiyang inilaan niya sa atakeng iyon, madali niyang napaslang ang mga pabong kanina niya pa kinakalaban. Tumalsik pataas ang mga ulo nito. Tumalon si Finn upang kolektahin ang limang ulo at muling sinugod ang limang pabong tumatakbo bitbit naman ang kanyang Dark Heavy Sovereign Sword.

Pinaghahampas niya ang katawan ng mga pabo gamit ang kanyang buong lakas upang huminto ang mga ito sa paggalaw. Ipinasok niya sa kanyang imbakan ang limang bangkay ng pabo at huminga ng malalim.

Nakararamdam na siya ngayon ng panghihina, pero wala siyang balak na huminto. Naglabas siya ng mataas na kalidad ng recovery pill. Iniangat niya ng bahagya ang kanyang maskara at direktang isinubo ang gamot upang ito ay lunukin.

Pinakiramdaman niya ang mainit na enerhiyang dahan-dahang kumakalat sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng ginhawa, at muling nakaramdam ang kanyang katawan ng sigla. Ganoon man, walang makikitang pagbabago sa kanyang mga mata. Malamig pa rin ito na tila ba walang buhay.

Muli siyang nagpalit ng sandata. Inilabas niya muli ang dalawa niyang espada at naghanda dahil kasalukuyang may papalapit sa kanyang mga halimaw. Hindi niya na hinintay pa na makalapit ang mga ito sa kanya. Sumugod na siya at muling sumabak sa isang matinding sagupaan laban sa iba't ibang uri ng halimaw. Isinantabi niya muna ang kanyang pagpapagaling at pagpapabalik sa kanyang na-konsumong enerhiya.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon