16. Si Angalo

31 6 13
                                    

Ito ang mahiwagang gintong kabibe ni Kaptan.

Kunot-noo niyang nilingon ang mahimbing pa ring natutulog na kasama. Ito ang bagay na sinabi ni Sagani na hinahanap niya noong una nila itong makita ni Lakan. Hindi naman lumayo sa kanila ang binata kung kaya't imposibleng mahanap niya ito kung saan man.

Hindi kaya... May ideyang nabubuo sa isip ni Malayah. Simula pa lamang ay nasa kanya na ito?

Kunot-noong napailing-iling ang dalaga. Naguguluhan. Pero bakit naman siya magsisinungaling?

Nahagip ng tingin ni Malayah si Lakan na papalapit nang muli sa sasakyan kung kaya't kaagad niyang isinauli sa bulsa ng damit ni Sagani ang gintong kabibe.

"Tara na-Oh, hindi pa 'yan gising?"

Umiling lamang si Malayah at kinuha ang mga gamit. Saglit lamang ay bumangon na si Sagani at nag-inat inat.

"Nasaan na tayo?" Wika nito at humikab. Napansin ni Malayah na kaagad na sinalat ng binata ang bulsa nito na tila sinisiguradong naroon pa rin ang isang bagay.

Napansin ni Sagani na nakatitig sa kanya si Malayah kung kaya't umiwas ng tingin ang dalaga. "Nasa Kabayuran na tayo." Sagot nito at lumabas sa kotse dala ang mga gamit.

Masiglang lumabas si Sagani at inilibot ng tingin ang paligid. Tanghaling tapat at sikat na sikat ang araw ngunit ang mga anino ng mga puno ay nagbibigay lilim sa mga turistang naglalakad patungo sa isang panuluyan kung saan din patungo ang tatlo.

Isang gusaling marmol na mayroong limang palapag na nakatayo sa ibabaw ng isang burol sila tumuloy. Dahil nasa taas ito, tanaw sa mga balkonahe ang mapunong tanawin ng Abra at ilang mga anyong tubig.

"Hindi ba't iyon ang talon ng Pinsal? Punta tayo! Parang masarap maligo." Usal ni Sagani bago pumasok sa isang kwarto kasabay si Lakan. Si Malayah naman ay pumasok sa kabila nito.

"Kakagaling mo lang sa dagat."

Liningon niya si Lakan. "Ang tubig sa talon ay natural. Hindi maalat at hindi masakit sa mata. At hindi rin nakakaitim."

"Ewan ko sa'yo." Saad ni Lakan at humiga sa isa sa dalawang kama. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang umidlip.

Mag-isa si Malayah sa kanyang kwarto. Naupo siya sa higaan at hinaplos ang purselas na paru-paro. Napangiti siya. Malapit na nilang makuha ang pangalawang hiyas.

"Malapit na ako, Papa..."

Ngunit nawala ang kanyang ngiti nang maalala ang gintong kabibe. Malalim ang iniisip, naglakad siya patungo sa bintana at binuksan ito upang makalanghap ng sariwang hangin.

Luntiang-luntian ang mga puno. Sa baba ay natatanaw niya ang mga turistang nais maglakbay sa kaburulan. Ang iba ay patungo sa talon ng Pinsal habang ang iba naman ay nais matanaw ang maalamat na tugot ni Angalo.

"Narito ako upang hanapin ang isang magnanakaw. Kinuha niya ang ginintuang kabibe ng dakilang Kaptan."

Iyon ang sinabi ni Sagani noong una itong nakilala nina Malayah at Lakan. Ngunit bakit niya iyon sasabihin kung simula pa lamang ay nasa kanya na ito?

Napayukom ng mga kamao si Malayah. "Anong pakay mo, Sagani?"

--

"Ang sabi sa kwento, si Angalo ay isang higante-tinaguriang unang tao sa Abra."

Sa balkonaheng nakakabit sa dalawang kwarto, nakaupo ang tatlo sa palibot ng isang bilog na lamesa kung saan nakalatag ang iba't-ibang putahe ng pagkain. Ang luntiang tanawin ay tahimik at ang hangin ay marahang dumarampi sa kanilang mga balat.

MalayahOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz