43. Si Pagtuga

21 2 5
                                    

Dumating ang gabi ng pagdiriwang ng maarawan ni Datu Makusog. Unti-unti nang dumarami ang mga bisita sa loob ng bulwagan para sa piging.

Hindi batid ni Malayah kung saan ba nagmumula ang mga ito. Mula lang ito sa ibang mga karatig bayan ng Ibalon. Ngunit walang ibang bayan sa dimensyong kinaroroonan nila. Tanging itim na mahika lamang sa dulo ng hangganan.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Malayah kung ano nga ba ang dimensyong kanyang ginagalawan. Kahit anong paghahanap ay wala silang makuhang kahit na anong matibay na paliwanag sa mga nangyayari.

Saan nagmula ang kakaibang pwersang kumokontrol sa kanila? Bakit tila isinasadula ang alamat ng Mayon? Paano nabuo ang dimensyong ito?

Hangga't hindi nasasagot ang mga tanong na iyon ay hindi sila makaiisip ng paraan upang makatakas at makaalis dito.

Sa bawat panibagong pagsikat ng araw na naroon ang dalaga sa bayan ng Ibalon, paulit-ulit niyang ipinagdarasal na tuluyan nang mahanap ang mga kasagutan sa lahat ng ito.

At sa gabing iyon, tila umaayon na kay Malayah ang tadhana. Na para bang sinasagot na ni Bathala ang kanyang panalangin.

Maingay ang malawak na bulwagan. Sa mga kawayang lamesa'y nahahati at nagtitipon ang mga panauhin. Dala-dala ni Malayah ang isang bilaong naglalaman ng mga sisidlan ng inumin. Umiikot siya sa bulwagan upang ialok ito sa mga bisita.

Sa isang gilid ay nahagip ng kanyang tingin ang isang matandang lalaki. Kapansin-pansin ito dahil sa pag-iisa at sa mariing pagtitig nito sa dalaga.

Dahil sa kuryosidad kung bakit ay nilapitan ito ni Malayah at inalok ng dalang inumin.

Kumuha ito ng isang baso mula sa bilao niyang hawak. Tahimik siyang pinagmasdang muli ng matanda. Hindi ito pamilyar kay Makayah. Marahil ay isa ito sa mga panauhing kanina lamang nagsisulputan sa Ibalon.

"Ano ang iyong pangalan, hija?" Tanong ng matandang lalaki matapos maubos ang inumin.

Nang pagmasdan siyang muli nito ay napansin ni Malayah ang kaliwang mata ng matanda. Wala na ang itim na bilog nito at tila ang kanan na lamang ang nakakakita. Maputi na ang buhok at kulubot na ang balat.

"Ako po si Magayon, ang anak ni Datu Makusog."

Inaasahan ni Malayah na makikilala siya nito gamit ang ngalan ng datu. Ngunit blanko lamang siyang tinitigan ng matanda at tila ba sinisipat ang bawat sulok ng kanyang mukha.

"Ang tinatanong ko ay ang tunay mong ngalan, hija."

"Malayah po--"

Natigilan si Malayah. Unti-unting kumunot ang kanyang noo nang mapagtanto ang sinabi ng matanda. Nanlaki ang kanyang mga mata at tinitigan lamang ang matandang lalaki.

Hindi kaagad na nakatugon si Malayah. At nang mapagtanto ang sinabi ng matanda ay nanlaki ang kanyang mga mata. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ngunit muli siyang tumindig at kalmadong tinitigan ang matanda.

"Ikaw..." Hindi makapaniwala si Malayah. Alam niya...

Bago pa man tuluyang maunawaan ni Malayah ang nangyayari ay tumalikod na ang matandang lalaki at nagsimulang maglakad palabas ng bulwagan.

"Sandali!" Kaagad na hiyaw ni Malayah rito.

Mula sa malakas na pagtugtog ng isang ensembla ay tila hindi marinig ang pagtawag niyang iyon. Mula sa kumpol ng mga bisita ay sinundan niya ang matanda.

"Sandali lamang!"

Wala nang pakialam si Malayah kung sino ang kanyang nababangga at nahahawi. Tila may alam ang matandang iyon sa mga nangyayari at tiyak si Malayah na ito na ang magbibigay sa kanila ng kasagutan.

MalayahWhere stories live. Discover now