1: Black Panthers Gang

41.4K 1.3K 1K
                                    

| Black Panthers Gang |

LUNA'S P. O. V

NASA Pantherion Base ako, ang lungga ng Black Panthers Gang, na kinabibilangan ko. Nasa harap ko sina Alexus, president ng gang na kilala sa tawag na Wave. Tinatawag siyang ganito dahil tulad ng alon ng dagat, kaya niyang kumalma, kaya niya ring maging mapaminsala. Nasa gilid niya naman ang vice-president na si Raiven na kilala sa tawag na Hawk because of his excellent hearing and best eyesight. At si Lucas na leader ng first division, the Titan, the smallest yet he can jump higher than Alexus and can easily intimidate his opponents.

They're the same age as my Kuya Jasper that's why I see them more as my brother, not just leaders. But I am forbidden to call them kuya. They hate it. They're all worried because of what happened to me and my family.

"Ano? Kumalma na kayong tatlo?" kalmadong tanong ko sa kanila dahil panay ang away nila dahil nag-iisip sila kung sino ang posibleng gumawa sa pamilya ko no'n.

"Hindi! Sino ba ang may gawa sa pamilya mo niyan?" halos 'di mapintang mukha na tanong ni Raiven.

"May hinala ka ba, Light?" tanong ni Lucas.

My code name in the gang is Light. I move like a lightning that's why. I once beat Lucas when we had a match because of my speed. When it comes to speed, no one even Alexus can surpass me.

Umiling ako. "Wala... Wala namang kaaway sina Mommy at Daddy. Sina Kuya at Ate naman kahit may pagkasaltik, walang nakakaaway 'yun. Ang inisip ko talaga ay baka nakaaway natin ito at ako ang binabalikan."

"No, hindi na'tin ito nakaaway. Sigurado ako dahil kung ganiyan lang din naman, eh 'di sana nauna ang pamilya nam-Ouch!" sigaw ni Lucas nang batukan siya ni Raiven.

"He's right. Tsaka medyo mailap na ang pangalan mo ngayon," sabi ni Alexus. Nanginginig ang mga mata ni Lucas dahil sa pagsang-ayon sa kaniya ni Alexus. Tiningnan niya si Raiven at inilingan, nagmamayabang.

Pero tama naman sila dahil hindi naman na ako palasama sa kanila nitong mga nakaraang buwan dahil nag-iingat ako dati na malaman nina Mommy ang tungkol dito. Dagdag pa rito ang tuluyan kong 'di na pagpunta rito mula no'ng nalaman na nila Mommy at lagi na akong napasok sa klase.

Tumabi sa akin si Lucas na umiiyak at niyakap ang braso ko. "Light! Aalis kana ba talaga?"

Malakas ko siyang binatukan dahilan para humiwalay siya sa akin. "Kailangan, Titan. Masyadong magulo na. Hindi ko na nga alam kung sino ba ang kaaway tapos dadagdagan ko pa? I only have Ced with me and I can't put his life on the line."

"Naiintindihan ka namin, Light," sabi ni Raiven na ikinagaan ng loob ko.

"Nagpunta ako rito para magpaalam saka magtanong kung may alam kayong trabaho?"

Alam kong maraming alam na trabaho ang tatlo na 'to dahil mga anak sila ng nagmamay-ari ng mga resto, condo, malls, at kumpanya at mukhang hindi nga ako nagkamaling magtanong sa kanila nang magsimula silang mag suggest. I'm only fifteen years old, underage at paniguradong mahihirapan akong maghanap ng trabaho na sasapay sa amin ni Ced.

"Sa restaurant namin, Light." Suhestyon ni Raiven. "Or sa office namin."

"Bodyguard, Lu!" suhestyon din ng kumag na si Lucas kaya malakas ko ng sinuntok ang braso niya. "Gago!"

Tinawag na naman akong "Lu" na ranging si Ced lang ang tinatawag sa akin.

Natawa silang lahat pero hindi si Alexus na mukhang may malalim na iniisip.

"Wave?" tawang ko sa kaniya. Natahimik ang dalawa at napatingin din sa kaniya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang? Ano'ng iniisip mo?" Usisa ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon