39: Kiss

14.3K 643 195
                                    

| KISS |

LUNA'S P. O. V

DALA-DALA ang mga palaso at pana ko, hindi ko na alam pabalik. Masyado yatang napalayo ang pagkakatakbo ko at kung saan-saan pa ako lumiko. Pansamantala ko munang tinanggal ang mask ko dahil sa sobrang init at para makahinga nang maluwag. 

Kasalanan ito nina Wolf at Zairus! Lalo na si Kamatayan na hindi man lang umangal sa pinagsasabi ng dalawang 'yon. Isa 'yong himala. Sa lahat ng himalang nangyari, ito ang pinaka ayaw ko.

Tutal nakahiwalay rin naman na ako sa kanila, manghuhuli na lang din ako ng mga hayop na p'wedeng makadagdag sa bilang ng mga hayop na mapapatay nila. Alangan naman sayangin ko ang oras ko sa paghahanap sa kanila.

Sa hindi kalayuan, may nakita akong kambing na may tali pa pero pakalat-kalat din naman. So, may nagmamay-ari nito at nakatakas lang?

"Kawawang kambing," sabi ko habang hila-hila na ang string at nakapikit ang kaliwang matang tinatarget ito.

"Release."

"Ay puchangna-" Nabitawan ko na ang string at nagdire-diretso ang palaso sa kambing pero ang tama nito ay bumaba lang sa paa kaya tumakbo ito habang inda-inda ang kaliwang paa nito. Hindi ko muna nilingon ang kung sinong pusang gala na nasa likod ko at kumuha ulit ng palaso saka muling tinarget ang kambing na pabagsak na rin. Para sure, patayin na.

"Great."

May tama ito sa paa pero may tama rin naman ito sa ulo. Wala namang sinabi na kailangang walang tama sa ibang katawan bago ang ulo, ah?

Matapos kong matamaan ang kambing sa ulo, hinarap ko na ang kung sinong pusang galang nanggulat sa akin. Kumunot ang noo ko nang makilala ko ang suot niyang maskara.

"Ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong.

"Ayaw mo akong makita?" May tampo sa boses nitong pagkakasabi.

Nakaramdam ako ng kung ano, na para bang nalulungkot din ako sa boses niya na ewan.

"I don't know you," may diin kong sabi saka ko siya tinalikuran.

"Pero nagkausap na ta-"

"That doesn't mean na dapat akong magtiwala sa'yo." Pagtatapos ko saka naglakad papunta sa nakabulagtang kambing. Tinali ko ang tali sa leeg nito para hilain ko na lang mamaya. Ang bigat-bigat kaya nito para buhatin. Hindi ako si Superman. Ako lang 'to, si Luna.

"Then-"

"Anak ng pucha naman!" Sigaw ko nang mabitawan ko ang ulo ng kambing. Nilingon ko ulit si K-Kuyang nakamaskara.

"Then why did I feel na you were comfortable talking to me the last time we talk?" Pagpapatuloy niya kaya imbis na pukulin ko siya nang masamang tingin ay nag-iwas na lang ako ng tingin.

"That's because..."

"Because?" Pag-uulit niya sa huling salitang binitawan ko, na nagpapahiwatig na interesado siya sa paliwanag ko.

"I think I was just longing for brother's love and care that's it." Pagpapatuloy ko sa paraan ng mabilis na pagsasalita.

"Then I can be your brother if you want."

Tiningnan ko siya saka umiling. "No, I do not know you. Kahit nga mukha mo, hindi ko makita dahil sa maskara mong suot, e."

"You didn't ask me to remove my mask."

"Hindi ba?" Kumunot ang noo ko. "So, kung sasabihin kong tanggalin mo 'yan, you will remove that?"

Nanlaki ang mga mata niya. "I—"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon