23: Be prepared

19K 867 209
                                    

| BE PREPARED |

LUNA'S P. O. V

NAPAPALIBUTAN na ako ng mga gunggong na parang mga kinulang sa pansin. Nasa clinic kami at nakaratay na sina Rance at Tev.

Nagbabangayan sina Xenor at Tev. Si Rance naman ay nagjo-joke sa kapatid niyang nakaupo sa gilid niya at walang reaksyon ang mukha.

Sina Storm at Deth ay nasa gilid at mukhang may pinag-uusapang seryoso at bawal makisawsaw ang others.

Si Chaos naman ay nakikipag-agawan ng pera kay Wolf, na ninakaw nito sa wallet nung lalaki kanina na na-knockout niya.

"Wolf naman! Parang hindi tropa ampucha." Reklamo ni Chaos kay Wolf. "Hatiin natin. Divide natin sa two. Bale tig 2, 500 tayo." Nangingiting suhestyon niya.

"Ayoko!" sigaw ni Wolf saka ibinulsa ang pera.

"Ako rin!" sigaw naman ni Tev saka tatalon-talong paring lumapit sa dalawa. "Divide niyo sa three."

Kumunot ang noo ni Wolf at hinarap si Tev. "Nakisuntok ka ba? Hindi naman, 'di ba? Susuntukin ka sana nung lalaki pero lumuhod ka lang kasi kinuha mo 'yung lollipop mo. Pasalamat ka nalang at tinulungan ka ni Leo."

"So, may parte ako, Wolf?" Sabad ni Leo na nakapikit ang mga mata at nakasandal ang likod sa pintuan.

"No way!"

Nagmulat ng mga mata si Leo. "But you-"

"Shut up!" sigaw ni Deth kaya ayun, tumahimik na.

Mahinang natawa si Wolf saka inilabas ang pera at lumapit kay Storm. "Sa'yo na lang 'to, Storm."

Naalala ko na minsang sinabi sa akin ni Chaos dati na sa kanilang apat, si Storm ang mahirap kaya ito ay narito.

"Galing sa nakaw, ibibigay mo sa akin?" Kunot-nuong tanong ni Storm.

Napanguso si Wolf. "Ayaw mo?"

Hinawakan ni Storm ang balikat ni Wolf. "I don't want to accept that, Wolf."

"Fine."

"Akin na lang!" Sigaw ni Sander.

"Akin na!"

"Hatiin nalang kasi!"

"Divide it by three!"

Mga mukhang pera talaga!

Tumigil sila sa pag-iingay nang malakas na binato ng unan ni Deth si Wolf. "Ibili mo na lang ng makakain 'yan," maotoridad nitong sabi kaya napatango si Wolf at mabilis na umalis.

"THIS WEEK is the last week ng maliligayang araw natin. Not all of us are aware of this." Anunsyo ni Deth na nasa harap naming lahat habang nakatayo sa harap namin kasama sina Chaos, Storm, at Wolf. Kumpleto rin kami rito sa loob dahil kasama namin ang mga estudyante sa room B.

Nagtaas ng kamay si Eunice. "You're right, Deth. I'm not aware. What do you mean na this will be our last week to enjoy? You mean the rest of the days will be hell? Hell weeks or months?"

Nagtaas din ng kamay si Stella. "What are we going to do?"

"Next week, we have no freedom to go out in this school. We-"

"W-what?!" gulat na sigaw ni Eunice. Naguguluhan siyang napatingin kay Stella. "Did I hear it, right, Stella?"

Hindi siya nito sinagot dahil seryoso at nananatili lang ang mga mata nito kay Deth.

"Don't cut off my words next time, Eunice." Paalala ni Deth. Napatango-tango naman si Eunice. Marahas na nagbuntong-hininga si Deth.

"We can't go outside dahil kung mahuhuli tayo, may kaparusahang naghihintay sa atin at pati na rin sa mga mahal niyo sa buhay sa labas," sabi ni Storm.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon