60: Punishment Accepted

11.5K 530 308
                                    

| PUNISHMENT ACCEPTED|

LUNA'S P. O. V

Madaling araw kami nang makarating sa Naga.  Nagpaalam ako sa kanila na hihiwalay ako dahil naghihintay na ang sundo ko na si Lucas kasama sina Ced at Celine. Hindi ako makaalis dahil nasa magkabilaang braso ko sina Tev at Rance na ayaw akong papuntahin sa kotse ni Lucas.

"Susubukan kong pumunta. Sasabihan ko lang si Lucas," sabi ko sa kanila.

"Bakit kailangan mong magpaalam sa pangit na 'yun, ate?" Kunot-nuong tanong ni Tev na sinundan pa ni Rance. "Oo nga. Bakit ba, ate?"

Mukhang hindi na inaaway ni Tev si Rance kapag tinatawag din akong ate, ha?

"Kasi ibinilin kami sa kaniya ni Alexus," simpleng sagot ko.

"Bakit naman-"

"Lu, tara na!" Sigaw ni Lucas na nagbaba na ng bintana. Nasa passenger seat si Celine at halatang iritado. "Why are you so slow talking to them ba?"

"Ay wow! Eunice labanan mo nga!" Natatawang sigaw ni Vincent.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nilang dalawa sa braso ko. Nalukot ang mukha nilang dalawa. Napabuntong-hininga na lang aki at pinuntahan sina Lucas. "Lucas, maiwan na lang muna kami ni Ced dito."

"Huh?"

Naalala ko kasi 'yung napag-usapan namin ni Tita at Tito na if kaya, bigyan ko ng time ang dalawa na sila lang. I feel that this is kind of betrayal to Lucas but hindi ko naman tutulungan sina Tito at Tita kung nakikita ko kay Lucas na imposible siyang magkagusto kay Celine, e.

Magpapasalamat din sa akin si Lucas balang araw.

Lumipat ako sa kabilang pinto ng kotse kaya binaba ni Lucas ang bintana niya.

"Gusto kasi nilang makasama si Ced at gusto rin nilang magbonding kaming magkakaklase." Paliwanag ko.

Kumunot ang noo niya. "Pero Luna si Alex-"

"I'll talk to him. Huwag kang mag-aalala, mabubuhay ka pa nang matagal." Kinindatan ko siya.

"He will surely ki-"

"No, he will not," natatawang sabi ko saka binuksan ang pinto ng backseat. Lumapit at yumakap sa leeg ko si Ced. "I missed you, Ate."

"I missed you too, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi saka ko siya binuhat papalabas ng kotse. Nang maisara ko na ang pinto, nagpunta ulit ako sa harap ni Lucas. Napanguso na lang ako nang magtama ang mga mata namin. Mukhang nag-aalala talaga. Sa buhay niya malamang.

"Sige, but make sure na magsasabi ka sa kaniya agad. Ngayon na para hindi tayo magulat na nasa harap na agad natin siya lalo na sa harap ko at may baril na nakatutok sa ulo ko."

Tumango-tango ako. "Copy po."

Lalong sumeryoso ang mukha niya. "And send me an update, Luna. Kapag may nangyari o may kailangan ka, pupunta ako agad. Dun pa rin kami kina lola mag-i-stay."

"Papasundo rin naman kami sa'yo bukas ng gabi."

Para naman siyang nakahinga nang maluwag. "Then, good."

"Baliw ka talaga! Hindi pa nga ako nakakapagpaalam kina lola at lolo, e."

"Sige, ingat kayo," nakangiting sabi niya. Tiningnan ko naman si Celine na ang sama lang ng tingin sa akin pero ngumiti rin naman saglit na parang nagpapasalamat ang dating sa akin. Lumambot ang mukha niya nang tingnan si Ced. "Ingat, baby Ced. We'll meet again tomorrow, right?"

"Opo, ate," nakangiting sagit ni Ced saka tiningnan si Lucas. "Kuya, ingat po sa pagmamaneho at huwag mo na po awayin si Ate. See you tomorrow po."

"Bye for now, Ced. Take care. Bantayan mo ang ate mo for me, Kuya Alexus, and Kuya Raiven mo, okay?"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon