65: Excuse

11.3K 473 148
                                    

| EXCUSE |

GAVIN'S P. O. V

Pagkauwi namin, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinangka na naman ni Rance pumasok, pero bago pa man din siya makalapit sa pinto, pinagsarahan ko na siya. Pinaghahampas at sinipa niya ang pintuan ko, his usual reaction before leaving me.

Pabagsak akong nahiga sa kama at ipinatong ang braso sa noo ko. Hindi mawala sa isip ko ang naging reaksyon ni Luna kanina nang sabihin ni Stella na tatanungin nila si Deth para magdeliver ng mga na-mine na mga damit.

And now, they're together.

"Fuck." Bumangon ako. Nahagip ng mga mata ko ang bagong bili kong sketchbook. Mariin akong napapikit ng mga mata ko. Humugot ako ng hininga bago tumayo at kinuha ito. Nagtagal ang titig ko rito bago bumalik sa kama ko.

Dahan-dahan kong inangat ang cover. The first page was my sketch of Gigi's cute face. This was exactly her face when she asked me to buy an ice cream. I did buy her one. She was the happiest kid at the time. It seems like I'm just overreacting, but I'm not. Her smile is as bright as her eyes. Looking at the depth of her eyes... I saw myself.

I felt tears forming in my eyes so I turned the page. The second page was Rance. I drew his different face expressions. Nakapaikot ang mga ito sa malaki niyang mukha na nasa gitna. His face on the center was angry but tears were forming in his eyes. Ganitong-ganito ang mukha niya sa tuwing nagagalit siya sa akin pero nagpipigil siyang huwag akong patulan.

Dati naiinis ako, ngayon tinatawanan ko na lang pero hindi ko pinapakita sa kaniya. Isipin niya natutuwa ako at baka sadyain at paulit-ulit gawin. Baliw pa naman 'yon.

Nilipad ng hangin ang ngiti ko nang maalala ang mukha ng sunod kong iginuhit. Inakyat ko ang mga paa ko sa kama at isinandal ang likod ko sa headboard.

Ipinikit ko ang mga mata ko bago inilipat ang page. Nang mailipat ko na, dahan-dahan akong nagmulat. It was a sketch of her face...the girl I like.

She was wearing her comfortable black t-shirt. Her hair was tied up while few strands escaped and she's sweating bullets because of our rigorous training. I drew her nose cutely. Her bowed shape lips were pouting. Her eyes were looking at my left side while her eyebrows were knitted. This was exactly her face when I asked her to do pout for me and in return I would help her stop Steven and Rance from fighting.

Flashback...

"Gavin!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw. It was Luna running towards me. Nang makarating siya sa harap ko, naghahabol siya ng hininga and she was sweating bullets. This woman pushes herself too much sa training namin.

"What's happening?" I asked her and stood up. Sinalubong ko siya.

"S-Sina Steven at Rance!" She held my arm while looking at me with panic in her eyes. Nahigit ko ang hininga ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa braso ko. Her touch sends a cascade of butterflies fluttering in my stomach.

"Hoy! Namumula ka! Ayos ka lang ba?!" Puna niya. Itinuro niya ang mga tainga ko. "Pati tainga mo!"

Napahawak ako sa kaliwang tainga ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para ikalma ang sarili ko. Hindi dapat ang nararamdaman ko ang iniisip ko.

Nagmulat ako ng mga mata nang alugin niya ang braso ko. I could see worries through her eyes. Her eyes were really very expressive. "Hayaan mo na." Itinapat ko sa mukha niya ang hawak kong tuwalya na hindi ko pa nagagamit.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon