28: Vincent's Limitation

16.2K 738 151
                                    

| VINCENT'S LIMITATION |

LUNA'S P. O. V

Bumalik na kami ni Deth sa room at wala na ang lahat kaya inilagay ko na lang ang bag ko sa upuan. Akma akong uupo nang hilain niya ang kamay ko papalabas.

Nagpatianod na lang ako dahil sa hiya ko pa ring nararamdaman. Naglakad kami papunta sa lugar na mapuno. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zairus na nakatali patiwarik sa isang puno at panay ang suntok sa hangin.

Nilapitan ko si Tev para tanungin siya habang nakaturo kay Zairus. "Ano'ng nangyari sa gunggong na 'yan?"

Nilingon niya ako saka namin parehas na tiningnan ang itsura ni Zairus. "Pinahihinto ni Sir si Stella makipaglandian sa kaniya tapos ang ugok na 'yan, hinalikan si Stella sa pisngi at umepekto naman kasi natigilan si Stella sa ginawa niya. Tumigil nga si Stella, siya naman ang naparusahan, ate."

Napahilot ako sa sintido ko. "Gunggong talaga."

"Saan ka nga pala galing ate at bakit kasama mo si Deth?" tanong niya kaya seryoso ko siyang tiningnan. "Naglibot lang. Anong tinuro sa inyo ni ma'am?"

"Different types of locks."

H-huh?

"Aanuhin natin 'yon?"

"Pag-aaralan para mabuksan lahat ng lock."

"Ano tayo future thieves?" Sarkastiko kong tanong.

"Parang ganun na nga, Ate," natatawa niyang sabi.

"Choose your partner. We will be having a hand to hand combat." Anunsyo ni Sir. Oliver kaya lumingon-lingon ako. Akma kong kakalabitin si Tev nang bigla ako nitong takbuhan at pumunta sa likod ni Leo. "Ayoko sa'yo, Ate! Ang lakas mo. Baka mabali mga buto ko."

Napabuntong-hininga na lang ako at akmang kakalabitin si Xenor na nagpapatunog ng daliri nang biglang may humawak sa ulo ko at kaliwang braso ko saka ako pinaharap. "Anong-Ano na naman, Kamatayan?!"

"Tayo ang mag partner."

"Ano ka batas?"

"Hindi. Ako si kamatayan."

"Inamin mo na rin sa wakas!" natatawa kong sigaw. "Sige, game."

Kani-kaniya nang pwesto ang lahat. Pinababa na rin si Zairus at ginawang partner si River. Si Knoxx naman ay mukhang kawawa sa gilid dahil wala itong partner.

Gusto kong tumawa at malungkot at the same time dahil sa hitsura niya.

"Mr. Guerrero, tayo ang magpa-partner," wika ni Sir. Natigilan si Vincent sa pang-aasar kay Zai at iniwan si Sander na dapat ay partner niya.

"Mr. Vasquez, ikaw ang partner ni Mr. Mariano," sabi pa ni Sir kaya tumango si Knoxx at lumapit na kay Sander.

"For those who're partnered with girls, turuan niyo muna bago kayo makipaghand-to-hand combat." Paalala ni Sir Oliver.

But not in my case. Kaya kong makipagsabayan...kahit pa kay kamatayan.

"Eyes on me, Luna."

Nilingon ko ang gunggong na nagsalita. Nakataas ang dalawa niyang kamay sa ere. "Punch my hands. Use all your strength. Don't hesitate to-"

"Okay, let's start," putol ko sa iba niya pang sasabihin. Imbis na gawin ang gusto niyang gawin ko, inatake ko siya dahilan para magulat siya at mapaatras. Ibinaba niya na ang mga kamay niya nang mahalata niya na wala akong intensyon makipaglaro sa kaniya na para bang wala akong alam sa pakikipaglaban.

Hindi siya lumalaban at puro lang atras ang ginagawa kaya lalo akong naiinis. Mas binilisan ko pa ang galaw ng mga paa ko habang sinusugod siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon