48: Confrontation

13.2K 577 144
                                    

| CONFRONTATION |

LUNA'S P. O. V

Nasa labas na ako ng mansyon ng pamilyang Cruz. Nakauwi na ang iba at tanging kami na lang ni Deth ang naiwan. Ewan ko ba sa taong 'to. Sabi ko na may susundo sa akin pero ayaw paawat at nagpaiwan pa.

Hinila ko ang dulo ng damit ni Deth kaya napatingin siya sa akin. "What? Kukulitin mo na naman ba ako na mauna na?" masungit na tanong niya.

Oh, eh 'di sige na.

Marahas akong bumuntong-hininga saka umiling. "Hintayin mo lang ako rito dahil may nakalimutan akong ibigay kay Miss Frenxia."

"Sige."

Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng mansyon. Mabuti na lang at namukhaan ako ng guard kaya pinapasok ako kaagad. Sana na lang tulog na si Tev dahil gusto ko sanang makausap ang mommy niya nang hindi niya na nalalaman.

Hindi ako makakatulog kung hindi masasagot ang mga tanong ko. Masyadong marami kaya kailangang bawasan at malaking tulong dito si Mrs. Cruz.

"Hello po, nasaan po si Miss Frenxia?" Tanong ko kay manang na kaninang nag-aasikaso ng mga pumapasok.

Nilingon niya ako saka niya tinapik ang balikat ng isa pang katulong at inutusan itong lumipat sa kusina. Nang makaalis ito, nakangiting hinarap niya 'ko. "Ikaw pala 'yan, Miss Luna. Nasa garden po siya at umiinom. May nakalimutan po ba kayong sabihin?"

Tumang ako. "Meron po."

"Ah sige po. Samahan ko na ho kayo."

"Salamat po."

Nauna siya sa akin maglakad habang nakasunod lang ako sa kaniya. "Tungkol ba ito kay Steven, 'nak?"

"P-Po?"

Huminto siya sa paglalakad saka ako nginitian. Nahinto rin ako. Hinarap niya ako. "Nang makita ko kung gaano nagliwanag ang mukha ni Tev nang makita ka niya, napagtanto ko na totoo nga ang sinasabi niya sa akin na bukod sa mommy niya, may isang babae na kayang magpangiti sa kaniya."

Napapangiti siya ng mommy niya?

"Sana na lang hindi ka tulad ng mommy niya na kaya rin siyang durugin." Dugtong nito na ikinabigat ng dibdib ko. Ako? Dudurugin si Tev? Nagawa ko na nga, hindi niya lang ginawang big deal at hindi ikinasama ng loob niya.

"Nakita ko kung gaano kayo ka-close ni Steven. Mabait 'yung batang 'yon. Lahat ng sinasabi ng mommy niya, sinusunod niya kahit minsan labag sa loob niya. Minsan nga tinatanong niya ako kung okay lang bang sumuway." Mapait siyang ngumiti. "Sinabi kong oo lalo na't kung hindi niya talaga kaya ang pinagagawa sa kaniya ng mommy niya kaya lang hindi niya raw kaya. Isang beses lang niyang itinanong ito at hindi na nasundan muli."

Bakit niya sa'kin sinasabi ang mga 'to? Inaasahan niya ba akong matutulungan ko si Tev?

Nakangiting tumango ako. "Sige po. Susubukan ko po na kausapin si Miss Frenxia."

Bahagya siyang ngumiti nang may kaunting pag-asa sa mga mata niya. "Ilang beses ko na siyang kinausap pero walang nagbago kaya sana makinig siya sa'yo."

"Sana na lang po." Sana nalang talaga magkaintindihan kami at hindi masagad ang pasensya ko.

Nang makarating kami sa garden, ipinaalam ni Manang ang presensya ko bago niya kami iwan. Wala akong sinayang na oras at lumapit ako kaagad sa kaniya. Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at pag-iling. "Why are you still here, hija? My son is already asleep."

"Can I talk to you, Ma'am?"

Hawak-hawak ang wine glass niya, naupo siya. "Yes, hija. About what?"

"Steven," may diin kong sabi. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago niya iminwestra ang kamay niya sa upuan na nasa harap niya. "You may sit."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon