7: Threat

20.4K 985 253
                                    

| Threat |

DETH'S P. O. V

NASA labas kami ni Chaos dahil gusto niya raw ako makausap.

"Bakit mo naman pinagawa 'yon kay Luna? Naiintindihan ko pa no'ng mga nakaraang araw na inuutusan siya ng mga kaklase na'tin na sinusunod niya naman dahil sa utos mo. But now, can't you spare Luna from your plans? Wala ka namang ginagawa kina Eunice at Stella para mapaalis kaya bakit mo ginagawa ito kay Luna? Why making her suffer?" sunod-sunod na tanong ni Chaos na mukhang naaawa kay Luna na kanina pa ang panay sulat ng report namin sa notebook niya.

"She has to leave. She's a threat, Chaos. You know what I mean, right?"

I find her difficult to control because of her strong personality. She can be a threat. But what the hell is the problem with me? Everyone in dark section is difficult to handle too but I managed to handle and control them. Everyone caused me pain, made damage, and inflicted pain to others. I see everyone in our section as threat but I never gave up on them, so why am I giving up on this girl? What makes her different to others?

I don't know anymore.

Hindi naman parusa ang ginawa ko sa kaniya. Nainis lang ako ng marinig na makikipag-date ito sa boyfriend niya kaya ayaw pumayag sa group study. Kung ayaw niya, eh 'di sarilinin niya. Gumawa silang magkasama ng boyfriend niya para naman may katuturan ang pagsasama nila.

"No, she's not and no, I don't know what you mean by that. We're friends for a long time but sometimes I am still confused about how you think and act. We both know that she really belongs to our section as I continuously report to you what she's doing when you're not here. She's a girl but she's not ordinary. Who we need to dispose of is Eunice and her friend, Stella. We both know na hindi nila makakayanan ang mga gawain natin."

Looks like this man really fell in love with that girl, huh?

"Do you like her?" diretsong tanong ko, hindi inintindi ang mga sinabi niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang mga mata kapag nakikipagpatayan siya.

"What if I said yes? You will spare her from your dirty shitty things?" matapang niyang tanong.

"Still no," may diin kong sabi saka naglakad bumalik na ng room. Nahinto ako sa pagpasok nang makita si Luna na lumabas sa bintana.

LUNA'S P. O. V

Katatapos ko lang mareview ang mga pinagta-type ko sa phone kagabi hanggang madaling araw. In short, wala ulit akong tulog.

Walang pumasok sa first at second sub namin kaya nagtuloy-tuloy ako sa paggawa hanggang sa makita kong ten percent nalang ang phone ko.

Iniligpit ko muna ang gamit ko saka kinuha ang baunan ng tubig. Nag-iisa lang ako sa room at lahat sila ay nasa labas kaya naisipan kong lumabas sa bintana na patungo sa gubat.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang pababa ng gubat. Hinawi ko ang mga halaman na nakasabit at nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang batis. Humawak ako sa sanga na matibay naman at sa puno na nasa kabila saka dahan-dahang bumaba pero kahit ganun, nadulas pa rin ako.

Napahawak ako sa puwitan ko dahil sa sakit. Kinuha ko ang tubigan ko saka dahan-dahang naglakad. Naupo ako sa tabi saka hinubad ang sapatos ko saka ko inilubog ang paa ko sa tubig.

I can't believe that this school has this kind of place.

Inalis ko ang paa ko sa tubig at nahiga nang patagilid. Ipinikit ko ang mga mata ko. Susubukan kong matulog. Sana huwag akong managinip ng masama.

"We made a promise to Lola na babalik tayo, Mommy. I should do my schoolwork in advance," sabi ni Ate Rhaine habang nakikipaglaro kay Ced.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon