54: Bicol

12.3K 545 180
                                    

Happy birthday Ryyellvii_ !! I hope you will enjoy your birthday celebration with your family and friends! Thank you for your constant support and love sa DS. I'm wishing you all the best in life. I love youuu!! ❤️🤗

| BICOL |

LUNA'S P. O. V

TATLONG ARAW na ang nakakalipas mula nung umalis si Alexus at lumipad papuntang Italy para bisitahin ang lola niya. Nanatili lang ako sa bahay dahil sa bilin ni Alexus. Ayaw ko namang may mangyari sa akin o sa amin sa paglabas-labas namin na maging dahilan niya pa para umuwi agad dito.

Ayon kay Stella, siya at ang lola niya ay nasa maganda ng kalagayan ngayon kasama ang  bunsong kapatid ni lola at inaanak ni lola, na isang private nurse. Bukod dito, ang tanging impormasyon lang na inabot niya ay hindi na raw do'n nakatira ang mga tita niya pero hindi naman nila ito pinagbawalang dumalaw.

"Lucas, wala ka bang pasok o trabaho?" Tanong ko dahilan para matigil siya sa pagdadamit kay Ced. Nagpumilit na siya ang magpapaligo kay Ced at maghahatid sa school nito. Dito na rin kasi siya tumira mula nung makaalis si Alexus.

"Inayos ko ang sched ko sa class. Tuwing gabi na ang pasok ko at online pa rin and that's fine with my profs as long as I comply."

"Kung may gagawin ka pa bukod sa school, p'wede namang iwan mo kami. I promise na tatawagan kita kapag emergency."

"Bukod sa school, tanging ang pagbabantay lang sa inyo ang gagawin ko. Tsaka ito na nga lang ang dahilan kung bakit ako nakakatakas sa lahat, lalo na sa Celine na 'yun," naiinis niyang sabi saka binutones na ang uniform ni Ced.

Pinanliitan ko siya ng mga mata saka ko pinagkrus ang mga braso ko. "So you mean that you are using us to get away with your-"

Tumayo siya nang diretso saka inabot kay Ced ang suklay. "Ced, comb your hair and eat your breakfast downstair. I prepared that for you," nakangiting sabi niya kaya napatango si Ced. "Thank you po."

Ngumiti lang si Lucas. Nang makalabas si Ced ay humarap na sa akin ang magaling na Lucas. "Don't get me wrong, Lu. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin bukod sa pag-aaral."

Inirapan ko na lang siya saka pinagpatuloy ang paglilinis ng bintana. Hindi pa nga niya ako pinapayagan dahil daw may mga gagawa nito pero nanalo ako nang sikmuraan ko siya. Wala kasi akong magawa. Ano gusto nilang mangyari? Tumunganga lang ako? Eh ang pinaka-ayoko nga sa lahat ay hindi gumagalaw.

Tumunog ang phone ni Lucas kaya nagkatinginan kaming dalawa bago niya sagutin ang tawag. "Dad? Yes, I'm here. Why? What?! There's no hell I'll fetch that woman! No, Mom! I can't leave Luna and Ced here! Alam niyo na 'to, hindi ba?! What do you mean isama?! You're unbelievable, mom! No, she's insane and I don't want to get attached wi—But Dad?!"

"Fuck!" Sigaw niya saka hinagis ang phone sa kama sa sobrang frustration. Kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Napahampas pa siya sa pader.

Binato ko siya ng hawak kong pamunas. "Mamaya pumasok si Ced! Ano ba ang sabi nina tito at tita at grabe ang galit mo? Sino'ng susunduin mo? Ayan ba 'yung Celine?"

Pabagsak siyang naupo sa kama, nakakuyom ang mga kamay na nakapatong sa hita niya. "Si Celine nasa Bicol at gusto ni mommy na sunduin ko dahil nasiraan daw ng kotse."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon