24: Mini Pajama Party

18.1K 868 192
                                    

| MINI PAJAMA PARTY |

LUNA'S P. O. V

Gabi na nang makauwi kami at ngayon ay balak nilang matulog ditong tatlo sa bahay. Nung una, hindi ako pumayag dahil hindi ko alam kung sanay ang mga 'to magsiksikan sa iisang kama kung sakali dahil mga anak mayaman ang mga ito pero-

"Kami ba minamaliit mo, Luna?" Nanliliit ang mga mata na tanong ni Lucas kaya napailing nalang ako. "Hindi na kita kailangang maliitin kasi maliit ka naman talaga."

Bumagsak ang balikat ni Lucas. Nabuga ni Raiven ang iniinom niyang tubig habang si Alexus naman ay mahinang napatawa.

"Sige na." Pagpayag ko dahilan para manumbalik ang sigla sa mukha ni Lucas. "Pero sa isang kondisyon."

Napatingin silang lahat sa akin.

Unti-unti akong ngumiti. "Magsusuot kayo ng pajama at hat."

"Hell no," sabay-sabay na sabi nila. Bumalik si Alexus sa pagtitipa sa phone niya habang si Raiven naman ay dumiretso sa pinto at ini-lock ito.

Hahakbang na sana ako papalapit kay Raiven nang bigla siyang inakbayan ni Lucas. "Bili na muna kami ng pajama, Luna. Balik na lang kami ulit. Hindi ba Alexus?"

Napatingin ako kay Alexus. Nakatingin na siya sa amin hanggang sa huminto sa akin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago tumayo.

"Ayun naman pala! Tara na!" excited na sabi ni Lucas.

Natatawa nalang akong napatingin kay Ced na kumakain ng popcorn habang nanonood ng Mr. Bean.

Nagpunta ako ng kusina para magluto ng makakain mamaya dahil may plano ako sa tatlo. Tutal gusto nilang matulog dito, papairalin ko ang MY HOUSE, MY RULES.

Habang nagluluto ng pancake, naisipan kong tawagan si Yshin, anak ni Tita Rhoana. Na-mi-miss ko na rin 'yung babaita na 'yon, e. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon.

[Luna!] sigaw niya mula sa kabilang linya dahilan para ilayo ko ang phone ko sa tenga ko saka i-loudspeaker ito at ilapag sa ibabaw ng waterjog.

"Ano ba?! Ang ingay mo! Nakakabingi!" Singhal ko sa kaniya.

[Ikaw din kaya maingay! Na-miss lang kitang gaga ka! Mula nung-ano.... hindi ka na nagparamdam.]

Inilipat ko na ang pancake sa plato saka naglagay ulit sa pan. "Naging busy lang sa school at kay Ced. Kumusta ka?"

[Eto, one week suspended,] tamad niyang sagot.

Napakunot ang noo ko ro'n. Kinuha ang phone ko at itinapat sa bibig ko. "Ikaw na peste ka! Ano na naman ba ang ginawa mo sa buhay mo, ha?! Don't tell me nag-cutting ka na naman?!"

[Then I won't tell you,] natatawa niyang sagot.

"That's my line!" Sigaw ko ulit. Napahilot na lang ako ng sintido ko. "Anong sabi ni Tita?"

[Sinisi ka na naman siyempre kahit wala ka na man dito,] naiinis niyang sabi pero wala lang sa akin dahil sanay naman na ako. Lagi sa akin isinisisi ni tita ang mga hindi niya gustong ginagawa ni Yshin dahil naiimpluwensyahan ko raw ito. Matigas lang talaga ang ulo ni Yshin tulad ko kaya kami nagiging parehas sa mga galaw. Akala ni tita naimpluwensyahan ko si Yshin, eh, matagal na talagang maloko 'to.

"As expected," walang buhay kong sabi saka binaliktad ang pancake. "Namiss mo lang ba talaga ako kaya ka napatawag?"

[Ang totoo kasi balak kong pumasok sa school mo para magkasama na tayo kaya lang ayaw akong payagan ni Mama.]

Shit! Ano bang nasa isip ng babaeng 'to? Ang ayos ayos ng buhay niya sa school niya, e.

"Listen to her. Listen to Tita. Don't go," walang buhay kong sabi. Kung may mapagkakatiwalaan lang sana ako na pumigil sa akin pumasok do'n, siguro malaki ang chance na wala ako sa lagay ko ngayon.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon