58: Rain

12K 507 258
                                    

| RAIN |

LUNA'S P. O. V

NAKAUWI na kami ni Deth nang tumila ang ulan. Hindi naman na bumalik ang lagnat niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Nag-alala sa akin si Lucas at may balak pa sanang umakyat ng bundok kung hindi lang daw ito pinigilan ni Celine.

Katatapos ko lang maligo kaya si Deth na ang sumunod. Nasa harap ko si Lucas at masama ang tingin na para bang kakainin ako ng buhay kaya naiiritang tumabi ako sa kaniya. "Ano'ng problema mo?"

"Ano'ng nangyari sa inyong dalawa?"

"A-Ano'ng nangyari? Wala. Virgin pa ako, gago!" Sigaw ko saka malakas na hinampas ang braso niya.

Napahawak siya sa braso niya at naiiling na tiningnan ako. "Utak mo talaga may ubo, Luna."

"Huh?"

"What I mean is what happened at nahuli kayo? Hayan tuloy naabutan kayo ng ulan," mahinang pagpapaliwanag niya.

Marahas akong napabuntong-hininga. "Mabagal akong maglakad kasi natatakot ako sa bangin."

"Fear of heights, right?"

Mariin akong napapikit ng mga mata. "Yeah."

Biglang tumunog ang phone ni Lucas kaya agad niya itong sinagot. Malamang si Tito or Tita 'yan.

"What is it, mom? Yeah, she's here. What?! P'wede namang tauhan niyo na lang ang papuntahin niyo rito, ah? Why Luna?" Tumingin siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Ano'ng meron sa napakaganda kong pangalan?

Marahas na bumuntong-hininga si Lucas saka muling naupo. "O-okay, I'll talk to her. Yeah, bye. Love you too, mom." Pinatay niya ang tawag saka ako hinarap. "May ipakakuha raw sa'yo si mommy sa bahay na gamit ni Celine."

"Oh, bakit ako?"

"Ayun nga ang tanong ko pero sabi ni mommy, gusto ka rin daw nila makausap ni daddy," tamad niyang sagot kaya kunot-nuong itinuro ko ang sarili ko. "Oh, bakit ako ulit?"

"Parang tanga, Luna."

"Joke lang. Feeling ko gusto nila akong kausapin tungkol sa'yo at kay Celine. Malamang interview 'to malala." Napatango-tango pa ako na parang kumpiyansa ako sa hula ko. Mariin ko siyang tiningnan. "Ilalaglag kita, Lucas. Sasabihin kong inaaway mo si Celine tapos-"

"Lu, ano'ng gusto mong pagkain? Kahit pang lifetime, ako na ang magsu-supply sa pagkain niyo ni Ced." Panunulsol niya. Hindi pa ito nakuntento, lumapit pa sa akin at yumakap sa braso ko. "Lu naman. Parang hindi kaibigan."

"Kailan ang alis ko?" Kunot-nuong tanong ko saka siya tumingin sa labas ng pinto.

"Ngayon daw. Susunduin ka rito."

"Huh?! Ngayon agad?!" Sigaw ko na may kasabay ding pagsigaw ng iba.

"Luna!"

"Lucas!"

Sabay kaming napalingon ni Lucas sa pinanggalingan ng sigaw. Nanlaki ang mga mata namin nang makita sina Celine at Deth na ang didilim ng mukha. Tumayo kami ni Lucas kasabay nang paglapit ni Celine kay Lucas at hihila papalayo sa akin pero nananatili pa rin ang kamay nito sa braso ko. "Lu, ilayo mo ako sa babaeng 'to!"

"Luna," may diing tawag sa akin ni kamatayan dahilan para tanggalin ko ang kamay ni Lucas sa braso ko pero ang higpit ng pagkakahawak kaya tumigil na lang ako sa ginagawa. Muli akong tumingin kay kamatayan. Napailing na lang ako nang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa braso ko at sa akin.

Sa estado ng mukha niya, ayan ang mukha niya kapag nasa training kami at sa tuwing may misyon. In short, he's capable of killing. Right now.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon