44: School Event (Part 1)

13.7K 594 188
                                    

| SCHOOL EVENT PART 1 |

LUNA'S P. O. V

ANG sarap talagang manakal! Kanina ko pa sinusumpa ang pangalan ni Mr. PPP dahil pagdating na pagdating namin ay ipinaliwanag agad sa amin ni Ms. Ortega ang kaganapan bukas at ang nakakabaliw dito ay kasama nga kami sa event at maglilinis pa!

Ibigsabihin nito hindi kami magpapahinga ngayon at igugugol namin ang oras namin sa pagpa-practice para sa performance bukas ng umaga. Nakakaloka lang dahil kakapasabog lang namin ng warehouse at kakasabak lang sa patayan, tapos heto kami ngayon, estudyante ulit.

"We need to participate in dance contest, singing contest, create booth, and participate sa mga games." Anunsyo ni Deth. Nakapaikot ang upuan namin nina Tev, Eunice, Stella, Zai, at Leo habang si Deth ay nasa harap at nakaupo sa mesa. Nasa tabi niya naman nakatayo sina Wolf, Storm, at Chaos. Ang ilan naman ay nakahiwalay ng upuan at ang iba ay nakaupo sa bintana.

"Putangina talaga," naiinis na sabi ni Xenor kasabay ng pagsipa niya ng upuan sa harap niya.

"Bugbog ang katawan ko sa pagod tapos imbis na magpahinga, maghahanda pa tayo sa letseng event na 'yan?" naiinis ding sabi ni Zai na napatayo pa pero napaupo naman siya nang hilain siya ni Stella. "Kumalma ka nga."

"We have no choice. May hatak daw ito sa points natin." Imporma ni Storm.

Mahinang natawa si Vincent at ginulo ang buhok niya. "Sinigurado talaga ng ama mo na mapipilitan at mahihirapan tayo bago tayo pagbakasyunin."

Marahas na bumuntong-hininga si Storm saka kumuha ng marker. "Tutal wala naman na tayong choice. Hatiin na lang natin ang mga gagawin para maging madali ang lahat." Nilingon niya si Deth kaya napalingon din kami rito.

"Sino-sino nga ulit dito ang magaling sumayaw?" Tanong niya sa amin. 

"Tumayo kayo Warren, Xenor, Gabriel, at Chaos." Utos ni Deth. "Hindi makakasayaw si Sander sa lagay niya ngayon. Sa iba na lang natin siya ilalagay."

Tumango naman si Storm at sinulat ang mga pangalan nito sa white board.

"Alisin niyo ang pangalan ko."

Napatingin kami sa nagsalita. It was Xenor.

"Mamaya na 'yan. Tumayo ang mga natawag para malaman natin agad kung sino pa ang walang gagawin."  Utos ni Deth. Sumunod naman ang mga natawag maliban na lang kay Xenor na nanatiling nakaupo kahit na pinagtitinginan siya nina Warren, Gab, at Chaos.

"Sino ang isasabak na'tin sa singing contest? P'wedeng may kasama," sabi naman ni Wolf na ikinapalakpak ni Rance at masayang itinuro sina Zai at Stella na naglalandian na naman. "Si Zairus maganda kumanta kung aayusin niya lang pati na rin si Stella!"

"Ay oo! Sila na 'yung pambato natin sa by partner!" Pagsang-ayon naman ni Vincent.

"Maganda ang boses ni Zai?" nagtatakang tanong ni Rance. Kitang-kita ang pagtataka sa mga mukha ng mga gunggong na halatang hindi makapaniwala.

"Tama sina Wolf at Vincent, maganda ang boses ni Zai. Hindi lang niya inaayos." Pagkumpirma ni Stella. Nagkrus ito ng mga braso. "Alam niyo na, parang tanga, e."

"Tumayo na kayo, Stella, Zai." Utos ni Deth. Tumayo naman agad si Stella. Habang si Zai ay nananatiling nakaupo at nakaangat lang ang tingin kay Stella. "Stel..."

Nakangiting nilingon ni Stella ang boyfriend niya. "Tara na. Wala namang ibang magpe-perform na iba." Kung gaano naman ka-willing si Stella, gano'n naman kapansin-pansin sa mukha ni Zai ang pagtutol.

Tumayo naman si Zai pero hindi napakali ang mga mata nito hanggang sa huminto ito kay Vincent na may malungkot na mga mata. "P'wede naman kami ni Vincent... huwag ka-"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon