31: Sorry

16K 760 129
                                    

| SORRY |

LUNA'S P. O. V

Kakalubog lang ng araw at nanatili kaming nandito sa gitna ng kagubatan. May pinahahanap kasi sa amin sina Miss Ortega at Sir Oliver. Hinati kami sa apat na grupo.

Iba't ibang kulay na papel 'yong po pinapahanap nila at mahahanap lang 'yon sa tabi ng mga puno dahil dito raw nila ibinaon ito. Wala silang sinabi kung ano ang laman ng mga papel basta hanapin lang daw namin.

Ako, si Tev, Leo, Deth, at Chaos ang magkakagrupo. Naalala ko tuloy na kami rin 'yung magkakagrupo sa report namin no'n.

Ang pangalawang grupo naman ay sina Stella, Storm, Rance, Xenor, at Warren. Nagkagulo pa dahil kina Stella at Eunice na ayaw maghiwalay pero napagalitan lang sila ng dalawa naming teachers. Buti nga!

Sa pangatlong grupo naman ay sina Wolf, Zairus, River, Gavin, at Knoxx. At dahil magkasama sina Zai at Wolf, hindi mawawala ang giyera sa pagitan ng dalawang bagyo na mapagmahal sa mga mukha nila.

"Bakit ba kasama ko 'tong pangit na 'to?!" Sigaw ni Zairus habang nakaturo sa mukha ni Wolf na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin kay Zai. "Oo nga! Ayokong kasama ang wala ng ipapangit pa sa nuno!"

"Sabi niyo ayun ang sinabi ni Sir Oliver, hindi ba? Kaya kahit anong gawin niyo, the decision was already finalized. We all need to follow and stay in our respective groups," sabi ni Deth na nakatingin kay Storm. Tumango naman si Storm. Nakasalisi kasi niya sina Ma'am and Sir. Halos kararating lang kasi niya. Pinatawag siya ni Panot sa office nito.

Kahit na nagsalita si Deth ay hindi pa rin talaga tumigil ang dalawa sa bangayan.

"Suntukan nalang, oh!" Aya ni Zairus na tinutupi pa ang manggas ng t-shirt niya. Nakasuot kami ng PE Uniform namin.

Akmang susuntukin ni Zai si Wolf nang bigla siyang mapasubsob dahil sa pagsipa ni Gavin sa pwet nito. Mabuti na lang at nailapat niya ang mga kamay niya sa puno bago siya tuluyang masubsob dito.

"I hate loud people so shut the fuck up, Guerrero and Vergara!" Saway ni Gavin sa dalawa.

Naiinis na umayos ng tayo si Zairus at hinawi ang buhok niya. "Muntikan na ang maganda kong mukha roon, ah."

"Mukhang ang malaki nating problema ay sina Gavin na maiinitin ang ulo at parang laging kulang sa tulog na si Denver at si transferee na hindi pa natin lubusang kilala." Bulong ni Wolf kay Zai pero rinig na rinig naman naming lahat.

"Sige ceasefire muna. Baka manganib ang mga gwapo na'ting mukha kapag nainis sa atin 'tong dalawa." Naglahad ng kamay si Zai.

Tinanggap naman ito ni Wolf. "Sige..."

For the first time, nagkasundo rin sila!

For the last group, sina Eunice, Vincent, Sander, Lucifer, Gabriel, at may isa pa!

"Nasaan si Denver?" Tanong ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Napakunot naman ako ng noo at lumingon-lingon na lang sa paligid.

"Huwag kayong maghanap sa baba," sabi ni Lucifer kaya sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin sa mga puno. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight.

"Kung hindi niyo mahanap, sumigaw kayo." Suhestiyon pa ni Lucifer at kahit naguguluhan ay sumigaw na sina Rance at Tev.

"Denver! Yuhuuuu!"

"Labas ka na sa lungga mo!"

Kahit naguguluhan si Gab ay nakisigaw na rin at tulad nga ng inaasahan namin, may kung ano kaming narinig na nahulog sa kung saan at nang itutok ko ang flashlight dito, si Denver na nakaupo na sa lupa at nag-uunat ng mga braso.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon