21: Real Status

19.2K 863 200
                                    

| REAL STATUS |

LUNA'S P. O. V

Nang makaliko ako sa likod ng school, nasa labas ang lahat at nakatingin sa loob ng kabilang room. Kumunot ang noo ko at naglakad papalapit sa room para umusisa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rance na nakahiga sa sahig. Nakapangubabaw sa kaniya si Gavin at pinagsusuntok siya nito.

Hinanap ng mga mata ko ang apat na dapat umawat pero wala sila!

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko nang makita si Tev na nakahiga rin at may tama sa labi.

Mabilis akong lumapit kay Gavin at sinipa ang tagiliran niya kaya napatagilid siya at nakaalis sa ibabaw ni Rance.

"Attention-seeker."

"Kapag 'yan nasuntok ni Gavin, tatawa pa ako."

Hala sige chismisan ang mga walang dulot sa labas, oh!

"L-Luna?" tawag sa akin ni Rance. Nakapikit ang isang mata niya dahil sa dugong nanggagaling sa noo niya. Nakangiti pa ang gunggong.

Hinawakan ko ang batok ni Rance saka siya dahan-dahang pinaupo. Tinulungan naman ako ni Tev.

"Ikaw na naman?!" galit na sigaw niya.

"Tev pakidala siya sa clinic," utos ko na ikinatango niya. Nag-angat ako ng tingin kay Leo na nasa gilid at nakatingin lang sa akin. Gusto ko siyang sigawan pero natunaw ito nang makita ko ang mahabang sugat sa pisngi niya na may sariwang dugo. Sa tingin ko umawat siya kaya may sugar siya.

"Leo, patulungan naman," mahinahong sabi ko. Bahagya siyang naupo saka kinuha ang isang kamay ni Rance at inalalayan itong makatayo.

"Ayos na ako rito. Ihatid niyo na siya," kalmado kong sabi dahil nagpapabalik-balik ang tingin ni Tev sa akin at kay pesteng Gavin na nasa likod ko.

Nasaan na naman kaya si kamatayan? Lagi nalang missing in action!

"Steven, tara na para magamot din 'yang sugat mo," sabi ni Leo. Napipilitang tumango si Tev at inalalayan na rin si Rance.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na silang makaalis. Pumikit ako saka huminga nang malalim bago humarap kay Gavin na sobrang dilim ng mukha.

Alam kong grabe itong magalit dahil nasa labas ang lahat at walang nagtangkang pumasok at manlaban maliban kay Tev na malamang concern lang sa kaibigan.

"Ano ba'ng problema mo, ha?! Gusto mo bang patayin ang kapatid mo?!"

"He's not my brother!" sigaw niya kaya tumayo ako at nilapitan ko siya. Galit na dinuro ko ang dibdib niya. Humakbang ako habang siya naman ay umaatras. "Tangina mo! Magkapatid kayo kahit itanggi mo pa! Bwesit ka dahil hindi mo siya sinusubukang intindihin! Bwesit ka dahil wala kang kwenta kapatid! Huwag mong intayin na mawalan ka pa ng kapatid dahil-" Malakas kong itinulak ang dibdib niya kaya napasandal siya sa mesang nasa harap. Umusog ito at napadikt sa blackboard dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang luha ko pero pagalit ko itong pinunasan. "Dahil masakit mawalan ng kapatid! Nawalan ka na ng isa! Huwag mong hahayaan na mawalan ka pa ng isa!"

Umayos siya ng tayo at itinulak ako pero hindi ako bumagsak. "Wala kang alam kaya huwag kang mangingialam! Hindi ikaw ang nasa posis-"

He was about to push me again when I slapped his hands . "Lintik! Oo wala ako sa posisyon para manghimasok sa problema niyo pero kaklase ko kayo! Nasa iisa tayong section kaya may problema ako kung ang pag-uusapan ay papatayin mo na ang sarili mong kaklase! Hindi ko alam kung sarado ba ang utak mo o pilit mo lang sinasara, e! Subukan mo namang lawakan ang pag-iisip mo, Gavin! Sa inyong dalawa ni Rance, alam kong siya ang pinaka nasasaktan." I let out a heavy sigh. Kailangang kumalma ako. Ayokong maging katulad niya. Hindi magandang salubungin ang galit ng galit din. "Hindi ko alam ang pinagdaraanan mo pero alam kong masakit sa isang tao na umaasa na mamahalin siya ng taong imposible siyang tanggapin."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon