42: Test

15.3K 699 180
                                    

| TEST |

LUNA'S P. O. V

Magta-tatlong buwan na mula nang napabilang ako sa section na 'to. Wala naman kaming naging misyon bukod sa nauna naming naging misyon dahil nagpokus kami sa pagsasanay.

"Magkakaroon tayo ng test bukas sa apat na subject. Math, English, Filipino, at Science. Now-"

"Ano'ng isasagot na'tin do'n?! If my memory serves me right, wala silang naiturong acads related!" Putol ko sa iba pang sasabihin ni Deth. Nasa harap siya habang kami ay nakaupo.

Hinawakan ni Rance ang braso ko. "Calm down, Luna."

Marahas na bumuntong-hininga si Chaos. "After the test, sa gabi, may misyon tayo. Further details will be announced sooner or later. This mission will be the last for this grading and oh, we will only have two months vacation after."

"Two months lang talaga?"

"Yes," mabilis na sagot ni Deth.

Mahinang natawa si Zai. "Sa bagay, okay na rin 'yan, at least may bakasyon."

"Kahit nasa bakasyon tayo, may mga times na ipapatawag tayo niyan for a mission." Xenor cut him off.

"Oo nga pala." Malungkot na napailing si Zai. 

"Kakaibang eskwelahan talaga." Naiiling na sabi ko na mahinang ikinatawa ni Vincent. "No, Luna. Kakaiba ang section na'tin, hindi ang school. Tayo lang ang may test na apat na sub lang at tayo lang din ang may misyon, at bakasyon kaagad."

"Bakit bakasyon agad? Ganito ba talaga sa section niyo?" Puno ng pagtatakang tanong ni Stella na tanong ko rin sa sarili ko pero natandaan ko na nasabi na ito sa amin ni Ms. Ortega dati.

"Because after the vacation, we will go straight to Dark Island. Magiging heavy missions na ang lahat sa atin. No acads involve na talaga. Hindi na tayo papasok dito sa school." Paliwanag ni Storm.

"May plano ba bukod sa don't die since hindi naman tayo mamatay sa test," naiiritang sabi ko.

Tumayo si Sander at isinandal ang likod sa pader. "Ikaw hindi, kami oo."

"What do you mean?"

Hinarap ako ni Eunice saka hinawi ang buhok. "Duh! This is the lowest section, Luna. For sure, you all have the same brains... poor."

Kumunot ang noo ni Zairus at inabot kay Wolf na nasa likuran niya ang kanang kamay niya. "Awatin mo ako, Wolf! Awatin mo-" Natigilan siya at nilingon si Wolf dahil hindi nito hinahawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Bahala ka riyan," natatawang sabi ni Wolf.

Napangiwi si Zairus saka pinagpagan ang damit niya. "Ayoko na nga."

Umiling-iling si Wolf saka kinuha ang bag niya. "We need to review now. Sa kwarto tayo nina Deth magre-review. Tulungan na lang ulit para hindi maiwan ang mga bobo."

"Kung makabobo ka naman, Wolf!" Sigaw ni Zai kaya nilingon siya ni Wolf na nakangisi. "Hindi ba totoo?"

"Totoo!"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon