52: Panty

12.9K 545 372
                                    

| PANTY |

ALEXUS' P. O. V

GUSTO kong patayin si Kaiser sa katangahan niyang ginawa! Inutos niyang ipadukot ang girlfriend ni Deth na si Elisse at sa kagaguhan, si Luna ang natangay ng mga gago at baguhan niyang mga tauhan!

May pasabi-sabi pa siya na 'Susubukan ko lang sila' tapos knowing na baguhan lang mga tauhan niya, hindi nagpakita ng picture ni Luna. Kung hindi ba naman may sira ang utak!

Natagalan ako kay Luna kaya kahit hindi pa tapos ang klase ko, umalis na ako sa meet at pinuntahan siya sa grocery store kaya lang hindi ko na siya nadatnan do'n. Bumalik ako sa gate ng subdivision at tinanong sa mga guard kung nakabalik na ba si Luna pero hindi pa raw. Kilala na nila ito dahil ipinakilala ko sa kanila ang magkapatid.

Sinubukan kong contact-in si Kaiser para tanungin ang kinaroroonan ng kapatid niya pero hindi naman ito sumasagot kaya pinuntahan ko siya sa bahay niya. Siya lang kasi ang siguradong may tamang impormasyon ng kinaroroonan ni Luna.
Nilagyan niya kasi ng tracking device sa phone na binigay niya kay Luna para madali lang namin ito makita kung sakaling magkaroon ng problema at hindi siya mahanap tulad na lang ng nangyayari ngayon.

Pagdating ko, paalis na siya at mukhang nagmamadali. Nang ipacheck ko sa kaniya ang location ni Luna, parang gusto kong pasabugin ang ulo niya dahil sa sinagot niya sa akin.

'I think... she was kidnapped by my people.'

Dahil ang location daw ni Luna ay location na pinagdalhan ng mga baguhan niyang tauhan kay Elisse. Pagtapos niyang mapagtanto ang katangahan niya, tinawagan niya si Cif at ininmporma ito sa kinaroroonan ni Luna.

Kung bakit kasi mga baguhan niyang tauhan ang inutusan niya! Kung hindi ba naman sa sobrang katangahan! At hindi man lang naisip na ipakita ang picture ng ipapadukot sa mga tauhan!

"Sorry, sorry."

"I will kill you, Kaiser!" Sigaw ko kasabay ng pagkasa ko ng baril ko at pagtutok nito sa ulo niya. Nagtaas naman siya ng dalawang kamay at itinuro ang phone niya na nasa kanang kamay niya.

"Teka! Teka! Kakausapin ko si X!" natatarantang sigaw niya.

"Bilisan mo bago ko makalabit ang gatilyo!" Pinanatili kong nakatutok sa ulo niya ang baril ko.

"Make sure na papatayin niyo 'yang mga 'yan at malinis ang lugar na 'yan kung hindi kayong magkapatid ang papatayin ko," nagbabantang sabi niya habang kausap niya si X sa kabilang linya. Pagtapos nun ay tinapos niya ang tawag.

Tingnan mo 'tong gagong 'to, ipinasa pa ang sisi sa katangahan niya.

"Dumating na ang mga kaklase ni Luna. Maraming buhay na mga tauhan ko pero malala ang mga tama."

"Bakit hindi ka inimporma ni Cif na nawawala si Luna?" Puno ng pagtatakang tanong ko. "Tsaka hindi ba niya nakilala ang mga tauhan mo? Lahat ba talaga ng nando'n ay baguhan?"

"Oo, kaya walang nakakilala sa kaniya at wala siyang kilala ro'n, kahit 'yung mga kaklase niya. Hindi niya rin alam ang plano kong pagpapadukot kay Elisse. Hindi raw siya tumawag nung malaman niyang nakidnap si Luna dahil paniguradong kaya naman na nila at kung sakaling hindi nila mahanap, tsaka raw siya hihingi ng tulong."

Siguro naisip ni Cif na baka mag-overreact na naman itong lalaking 'to.

"You are really idiot, Kaiser! 'Yung totoo, leader ka ba talaga ng Blackwing Gang?!"

"Hey, that's foul!" Sigaw niya saka ako nilapitan at hinawakan ang baril ko. Dahan-dahan niya itong binaba. "Put this down, best friend. Hindi na mauulit na mag-uutos ako ng mga tanga," nakangiting sabi niya saka itinaas ang kanang kamay. "Promise. Cross my heart. Mamatay ka man."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon