8: Jealousy

21.4K 952 389
                                    

| JEALOUSY|

LUNA'S P. O. V

MAAGA akong pumasok dahil sa kagustuhan kong madatnan ang room na tahimik. Nakatulog ako nang gabi dahil uminom ako ng sleeping pills kagabi na binili ni Alexus.

Nang tanungin niya ako kung natutulog ba ako, nagsabi na ako ng totoo dahil sa takot sa kaniya. Galit yata sa nangyari sa paa ko. Si Lucas naman ang gumamot sa paa ko. Nung una, hindi ako pumayag pero kung hindi raw ako papayag, tatawag siya ng emergency-sina Alexus at Raiven ang tinutukoy niya. Alam ko kung gaano kabaliw ang tao 'yon at posible niyang gawin 'yon kaya hinayaan ko na. Hindi rin ako tinulungan nina Alexus at Raiven sa pag-awat kay Lucas na ang ibigsabihin sang-ayon sila sa gustong mangyari ni Lucas.

"Luna!" sigaw ni Tev saka hinila ang upuan ni Chaos at inusog sa tabi ko. "Ano'ng nangyari sa paa mo? Bakit may benda?"

Chismoso rin pala 'to? Ito rin tanong ni Chaos kanins, eh.

"Natapos mo na bang mapag-aralan ang nakaassign sa'yo?" Pag-iiba ko sa usapan saka inapak ang paa ko sa sapatos. Hindi naman na gaanong masakit, huwag lang matapakan o masanggi.

"Oo naman! Ako pa ba?" Puno ng pagmamalaki niyang sabi saka inagaw sa kamay ko ang notebook ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Huli na nang maagaw ko dahil nabuklat niya na ito at nakita ang laman. "What the hell?! Bakit parang ang dami mong sulat? 'Yung gawa namin ni Leo one bondpaper lang."

Tumango nalang ako.

Kagabi ko lang ito isinulat. Tatlong oras ang ginugol ko sa pagse-search at pagsusulat. Mas madali ang naging trabaho ko kahit nakakapagod ang pagsusulat dahil hindi ko na kailangang magpalipat-lipat sa Google at notes ko para magtype. Ang isinulat ko lang naman ay ang mga explanation ng mga malalalim na terms.

Hindi naman marami ang sulat ko. OA lang talaga siya. Maliliit lang ang sulat ko at limang pages lang ito.

"Bakit hindi mo na lang idiniretsong tinype sa laptop tapos ginamitan mo ng printer? Mas mada-" Bumagsak ang balikat niya at unti-unting nanlaki ang mga mata. "Don't tell me you don't have a laptop?"

Wow! Mukha ba akong mayaman o may kaya?

Hindi ko siya sinagot at kahit nagtataka, hinayaan ko siyang tumakbo.

Saan naman kaya ang punta ng lalaki na 'yon?

Tev acts like he's not a teenager. Parang ang utak niya ay nasa sampung taong gulang lang tulad ni Lucas. Napansin ko na medyo may hawig sila ni Leo lalo na sa mata at labi pero baka nagkataon lang 'yun.

ALAS SIYETE na nang matapos ko ang inassign ko sa sarili ko. Masyado palang mahaba ang coverage ng subtopic na nakuha ko. Galing ko mamili.

Uminom ako ng tubig saka nag-unat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tev na may sukbit na bag at lumapit sa akin. Umupo ulit siya sa upuan ni Chaos.

Binuksan niya ang bag at inilabas ang laptop saka ipinatong sa mesa ko. "Here, laptop." Habol niya ang hininga niya. "Sorry natagalan. Na-traffic daw si Mang Jose pabalik, eh. Tapos tinulungan ko si Denver na dalhin si Zai sa clinic matapos makaapak ng basag na bote na siyang nagbasag din. Napakatanga, eh."

Gusto ko sanang itanong kung sino si Denver pero mas na-curious ako sa laptop na nasa ibabaw ng mesa ko. Papahiram niya ba 'to dahil nalaman niyang wala akong gamit na laptop?

"A-ano 'to?"

"Bigay ko sayo para may magamit ka at hindi kana magsulat. Isipin mo na ambag ko na lang 'to sa grupo natin lalo na sayo na mukhang hindi na natutulog."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon