61: Three Kisses

11.6K 527 296
                                    

| THREE KISSES |

LUNA'S P. O. V

NAKAHANDA na ang mga pagkain namin. Nakahilera ang mga pagkain sa dahon na nasa ibabaw ng mesa. Kami naman ay nakapalibot dito.

Wala si Xenor dahil nagpaalam ito sa amin na kakausapin niya raw ang mommy niya dahil sa kagustuhan nito.

Nauna nang kumain ang mga matatakaw na sina Gab, Sander, and Tev na hindi lang kain ang ginagawa kung hindi lamon, lamon talaga!

"T-Tubig!" nahihirapang sigaw ni Tev. Agad na lumapit sa kaniya si Gab at inabutan ng tubig saka marahang hinagod ang likod. "Takaw mo kasi."

Pagtapos makainom ni Tev, napahawak siya sa dibdib niya. Napailing-iling siya bago lingunin si Gab. "Nahiya naman ako sa sunod-sunod mong subo."

"Luna, lumayo-layo ka sa akin at nag-iinit ang ulo ko sa'yo," may diing sabi ni Chaos habang nakatingin sa kamay niyang may hawak ng kanin.

"Bakit naman babybabe?" Malanding tanong ni Deth na halos nakadikit na sa braso ni Chaos.

"Fuck!" Sigaw ni Chaos saka inilapag ang pagkain niya.

"Nasa harap tayo ng pagkain." Saway ni Stella.

"At nasa harap niyo si Ced." Dugtong ko. Mabuti na lang at focus siya sa pagkain niya. Well, Lucas spoils him too much pagdating sa pagkain kaya ganiyan.

"Sorry." Paghingi ng tawad ni Chaos saka matalim ang mga matang nilingon si Deth.

"P'wede bang huwag niyo na siyang tawaging Luna?" Tanong ko. Ang weird lang kasi.

"Oo nga! Dapat ibang name." Pagsang-ayon ni Tev saka inagaw sa kamay ni Leo ang hawak nitong tuyo.

"Alam ko na!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin lahat. "Dethia! Ganda 'di ba?"

"Maganda! Maganda!" Sigaw naman ni Vincent na kararating lang kasama si Zai. Parehas silang may dalang inumin.

"Pahingi naman nung pork chop." Hingi ni Zairus nang makarating siya. Tumahimik ang lahat. Akmang aabutan siya ni Stella nang bigla na lang itong nagkrus ng mga braso at nag-iwas ng tingin sa aming lahat.

"Deh, ayos lang. Sino ba naman ako para kumain ng pork chop? Para pork chop lang naman ang hinihingi ko tapos hindi niyo pa ako mabigyan. Sino ba nga naman ako para makati-" Natigil siya nang saksakan ni Vincent ang bibig niya ng porkchop. "Ayan, lunukin mo, ha? Kapag hindi mo nilunok 'yan nang buo, friendship over na tayo."

Mangiyak-ngiyak na humarap si Zai kay Stella pero busy na si Stella sa pagkain ng porkchop na inaabot niya kay Zai kanina.

"River, diet ka?" Tanong ni Storm kay River dahil uminom na agad ito ng tubig at umalis sa table.

"Nope. Ibibigay ko na lang sa tatlong matatakaw 'yung para sa akin."

"Ayan ang ayaw ko sa'yo kaya gusto kita, River!" Sigaw ni Sander saka nagsimula ulit kumain. Ito 'yung taong parang walang kabusugan. Puno ang bibig, may hawak na ulam sa parehong kamay.

Nilingon ko si Ced na busy pa rin sa pagkain niya habang nakaupo sa gilid. "Ced, tell me if you want more pero dahan-dahan lang sa pagkain, ha?" Paalala ko. Nakangiting tiningnan niya naman ako na may kanin pa sa pisngi. "Opo, ate."

Kinuha ko ang kanin sa pisngi niya kaya mahina siyang natawa. "Makalat pa rin ako kumain, ate."

"I know."

"Hoy, hindi na nakain si Zai!" Sigaw ni Chaos. Nang lingunin naman ito ay nakasaksak pa rin ang porkchop sa bibig at mangiyak-ngiyak na talaga ang itsura.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon