68: Sunset

11K 447 163
                                    

| SUNSET |

LUNA'S P. O. V

Nakauwi na ako sa bahay habang ang iba pang mga kaklase ko ay nagpaiwan sa school dahil last day na raw ng event. Babalik pa ako mamaya para tumulong pa sa paglilinis saka gusto ko pa silang makasama.

Nag-iinit ang ulo ko dahil sa itsura ni Ced na halos maligo na ng paint ang mukha at katawan. Ganun din sina Kuya Jasper, Lucas, at Raiven. Nakahiga silang apat sa mahabang styrofoam. Si Ced na nakapatong ang dalawang paa sa dibdib ni Kuya Kasier na nasa paanan niya. Habang ang kaliwa at kanang kamay ni Ced ay pinagtag-isahan nina Lucas at Raiven na nasa magkabilaang gilid niya.

"What a mess."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses sa likod ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Alexus.

"Hindi ka umuwi kagabi?"

Tiningnan niya ako saka umiling. "No. We had a problem in our company."

"Ayos naman na?"

"Still fixing."

Gumalaw si Kuya Jasper. Nginitian niya muna kami bago dahan-dahang inalis ang paa ni Ced na nakapatong sa dibdib niya.

Naiiling na napaupo ako sa couch at pinagmasdan pa ang itsura nila. Parang may World War III na nangyari at ang bomba ay mga paints.

"Jasper, mag-usap tayo," sabi ni Alexus pagkaabot niya ng bag niya sa maid.

Tumingin sa akin si Kuya na para bang humihingi ng tulong. Hindi ko siya inintindi at nilapitan si Ced. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa dalawa saka siya binuhat.

Dinala ko si Ced sa kwarto namin saka siya pinunasan ng pawis at pinalitan ng damit. Pinaupo ko siya sa kama at ibinigay sa kaniya ang tablet. Nanood siya ng Mr. Bean. Naupo naman ako sa tabi niya at binuksan ang phone ko.

Two days.

Seksyong Madilim

Lawrance: Nasaan na ang iba? 😭😭😭😭 Why niyo ako ni-left here?

Eunice: Are you imitating me, Rance?

Lawrance: No, I gaya-gaya u.

Eunice: Gavin! Your brother!

Lawrance: Yeah, yeah, he's my brother. Where's my brother? Knock knock!

Steven: Who's there?

Lawrance: Where's the door?

Zairus: Where's the door who?

Lawrance: Mga tanga! Naghahanap talaga ako ng pinto! Nasaan na si Kuya?

Gavin: Stop knocking, you idiot!

Archer Vergara removed Rance Marquez from the group.

Zairus: Gago! BWHAHAHAHHAHAHA

Warren: Iiyak 'yan. Ibalik niyo na.

Ako: Nasaan ka ba, Gavin?

Gavin: My room.

Ako: Where's Deth?

Vincent: Uyyyy! Hinahanap 'yan?

Ako: Paano mo gustong mamatay, Vincent?

Vincent: I want to die beautiful.

Gavin Marquez added Rance Marquez to the group. 

Lawrance: Waaaah! Thank you, Kuya! Labyu mwaa mwaaa!

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now