72: D-Section

10.6K 437 328
                                    

| D-SECTION |

LUNA'S P. O. V

TATLONG ARAW na mula nang huli kaming mag-usap nina Deth at ng iba pa. Tahimik na rin ang group chat namin. Hindi ko alam kung gumawa sila ng bagong gc o sadyang wala lang talagang silang paramdam.

Tatlong araw na rin na walang Kuya Jasper ang nagpaparamdam. HIndi na nga ako nakatiis at inamin ko kay Ced ang tungkol sa pagkawala ni Kuya Jasper. Nag-alala rin siya nang sobra pero hindi niya gaanong pinahahalata dahil malamang iniisip niyang ayaw niya akong pag-aalalahanin.

"Ced, kinausap na ni Kuya Alexus si Teacher Abby na hindi ka muna makakapasok, ha? Kailangan muna kasi nating manatili rito sa bahay para maging ligtas tayo." Paliwanag ko sa kaniya habang sinusuklayan ang buhok niya.

Sasagot sana siya nang biglang dumaan sa harap namin si Alexus na nag-aayos ng necktie. "Don't worry, Ced, I asked your teacher to give you activities na gagawin mo rito sa bahay. Lucas and Raiven will help you out with your assignments."

Umiling ako saka tumayo. "Huwag na, Alexus. Ako na ang bahala."

Kumunot ang noo niya saka may binunot mula sa bulsa niya. "Pero 'di ba sabi mo dalawang araw kang mawawala dahil pinatatawag kayo ng principal niyo?"

Mariin akong napapikit nang maalala ang natanggap kong message mula kay kamatayan. Hindi ko na tinanong kung bakit kailangan naming magpunta roon dahil baka humaba lang ang usapan namin... o 'di kaya iseen niya lang ako.

"Two days lang naman 'yun. Pagdating ko, kahit huwag ng istorbohin ang dalawa," sabi ko. Kumunot naman ang noo ko nang tumingin siya sa gilid kaya sinundan ko ito ng tingin.

"Sino'ng nagsabing istorbo kayo?" Tanong ni Raiven na naghihikab pa.

Nanlaki ang mga mata ko. "D-dito na naman kayo natulog? Hindi na kayo umuuwi kina Tita at Tito."

"Alam mo, Lu, tingin ko nga mas okay si mommy na nandito ako kaysa sa kung saan-saan ako nagpupunta kasi kung sakaling kailangan nila kami, kay Alexus lang nila kami hahanapin." Paliwanag ni Lucas na kumindat pa. "Kaya kami na ang bahala kay Ced. What you need to do is to be careful."

"Okay, pero gusto ko na talagang tulungan kayo sa paghahanap kay Kuya. Sobrang nag-aalala na 'ko sa kaniya." Hinarap ko si Alexus at umiling. "I can't lose him. We can't. Hindi siya bumalik para mawala ulit, Alexus."

Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang likod ng ulo ko at inilapit ang mukha ko sa dibdib niya. "Shh... Kaiser will be fine. I know he's doing fine right now. He's not allowed to die. It's only me who can kill him."

Tears streamed down in my cheeks.

Mahina akong natawa sa huli niyang mga sinabi. Pinunasan ko ang pisngi ko saka umatras. "Napapansin ko lang na parang nasanay ka na talaga na tawagin siyang Kaiser 'no?"

Nag-iwas siya ng tingin saka tumango. "Y-yeah, ilang months din kaming nagkasama and he wants me to get used calling him Kaiser para hindi magkaproblema kaya ito..."

"ATE, tama ba 'tong nasa kamay ko?" Tanong ni Ced kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakataas ang ilang mga daliri niya sa dalawang kamay niya. "Seven times six po equals forty-two?"

Katatapos ko lang siyang turuan ng basic math. Pinasagutan ko sa kaniya ang ibinigay na assignments ng teacher niya. Hindi niya na ako pinatulong. I-check ko na lang daw kung tama ang gawa niya pagtapos dahil kaya niya naman daw. Habang hinihintay siya ay nagbabasa ako ng news article na nakita ko sa facebook. Tumigil ako saglit at tiningnan siya. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagfofocus niya sa mga daliri niya sa kamay,

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now