27: First

17.7K 828 394
                                    

| FIRST |

LUNA'S P. O. V

Nasa training ground kaming lahat at tinipon kaming twenty-Ay twenty one students dito dahil kaklase na pala namin si Knoxx.

"Tomorrow will be the first day of your training as dogs of this school."

"We're not dogs," pabulong kong sabi pero sinadya kong marinig ni PPP na ikinangisi niya. "Six AM will be the start of your discussion and will end at 7 AM. After that, you all will start your training and it will end at 6 PM."

"Tang'nang training 'yan! Anong klaseng training 'yan? Training papuntang langit?" Naiinis kong sabi at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng lahat.

Matalim akong tiningnan ni Deth pero inirapan ko lang siya.

"This time, I'm on her side, you lack of hair," sabi ni Eunice na ikinatango ni Stella na nagtaas pa ng kamay. "Are you fucking kidding, panot?"

"I'm not. I'm serious here, Ms. Dizon, Ms. Valdez, and Ms. Velasquez," natatawang sabi nito kaya lalo akong nainis.

"Hindi pa ba tapos?" bored kong tanong habang nahikab. Nahawaan na yata ako ni Denver, pati na rin ni Gavin na ang hihilig humikab.

"That's it. Magkita-kita na lang tayo bukas kasama ang bago niyong mga teacher. You-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tinalikuran siya. Sumunod naman sa akin si Tev na ipinulupot na naman ang mga kamay sa braso ko.

"Ate, huwag mong galitin masyado," nag-aalalang sabi niya.

Napangiwi ako sa sakit dahil masyadong mahigpit ang yakap ni Tev sa braso ko na hindi pa rin tuluyang magaling.

Hindi ko siya pinansin dahil tinatamad na naman ako magsalita at hininga ko nalang nang malalim ang kirot na nararamdaman ko.

Minsan inaatake talaga ako ng ganitong klaseng sakit ko, ang katamaran sa pakikipag-usap.

Nang makaakyat kami sa taas ay kumain agad kami ni Tev. Ayaw kong makasabay sa dinner ang tatlo at kailangan ko na ring uminom ng gamot para sa sugat ko.

"Good night, Ate."

"Good night, Tev."

Pagtapos naming kumain, pumasok na kami sa sarili naming kwarto. Uminom muna ako ng gamot bago natulog dahil maaga pa kaming gigising bukas at paniguradong bugbog ang katawan namin dahil sa training papuntang langit bukas.

NAGISING ako ng alas kuwatro at hindi na ako muling natulog pa dahil wala na pala akong taga-gising dito. Naligo agad ako saka nilinis ang sugat ko at nagkalkal ng damit sa maleta.

Habang nagkakapa, nakaramdam ako ng matigas sa loob kaya binuksan ko ang bag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang limang baril at tatlong iba't ibang klaseng kutsilyo na pagmamay-ari nina Alexus, Raiven, at Lucas dahil sa mga nakatatak na code naman nila rito.

"Ate?" Tawag ni Tev sa labas kaya madali kong itinago ang mga hawak kong armas sa ilalim ng kama bago binuksan ko siya pinagbuksan ng pinto. "Bakit, Tev?"

"Ito raw ang isusuot natin," sabi niya saka inabot sa akin ang kulay itim na jogging pants at kulay yellow na t-shirt na may nakasulat sa likod ng apilyedo ko habang ang nasa harap naman ay may nakasulat na 'assassin'.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon