57: Mountain

12.1K 504 141
                                    

| MOUNTAIN |

DETH'S P. O. V

Kanina ko pa tinitingnan si Luna na hinahalo ang tubig na may yelo. Kanina pa ako nakakaramdam ng uhaw. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at dahan-dahang inangat ang katawan ko habang kumukuha ng lakas sa upuan.

"Subukan mong tumayo, ihahagis ko 'tong buong yelo sa'yo." Banta niya ulit dahilan para bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Kainis naman, eh.

"Luna."

"Oh?" Matapang niyang sagot.

Tapang talaga sumagot. Akala mo makikipag-away.

"Tatayo ako dahil kukuha ako ng tubig..." Paliwanag ko na may tonong humihingi ng permiso niya. Tinitigan niya lang ako. "P'wede ba?"

Shit. Iinom lang ng tubig, kailangan pang hingiin ang permiso niya? Ako pa ba talaga 'to? Malalim na ba talaga agad para umakto ako nang ganito?

"Huwag na. Ako na ang kukuha." Naglakad siya papunta sa mesa at nagsalin ng tubig sa baso saka lumapit sa akin. Akmang aabutin ko ang baso nang ilayo niya ito at inilapag sa mesa. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at naglagay siya ng unan sa likod ko saka ako ipinasandal dito.

I feel special. Sabi niya hindi siya marunong mag-alaga ng may sakit kung hindi baby? Now she's taking care of me, I feel like I'm a baby, who's babied by her.

Kinuha niya ang baso sa mesa saka inabot sa'kin. "Oh, tubig mo."

Panira naman. P'wede na sana siyang mag-alaga ng pasyente, e kaya lang para talaga siyang siga kung magsalita.

"Ano pa'ng tinitingin-tingin mo? Iinom ka ba talaga?"

See? I can't imagine her being a nurse or doctor.

Marahas akong bumuntong-hininga bago uminom. Inabot ko ang baso sa kaniya pagtapos ko. Tumayo siya saka binalikan ang pinapalamig niyang tubig.

"Stay still," sabi niya nang akma akong uupo. Sinunod ko na lang siya at nanatili sa pwesto ko. Lumapit siya sa akin saka naupo sa gilid ko. Nilapag niya ang palanggana at pinigaan ang towel na nakababad.

"Labas pa," may diin niyang sabi saka inilagay ang towel sa noo ko.

"At least hindi ikaw." Bulong ko.

"Huh?"

Tipid akong umiling. "Wala. Sabi ko matulog ka na. Ayos na 'ko rito."

"Hindi. Hihintayin kong bumaba ang lagnat mo at makatulog ka bago ako matulog." Pagpupumilit niya saka pinigaan ang isa pang towel na nakababad sa malamig na tubig.

"You-"

Natutop lahat ng sasabihin ko nang muli niya akong harapin na may matalim na mga mata. "Tigil-tigilan mo ako sa katigasan ng ulo mo at baka masuntok kita."

See? Napakaikli ng pasensya niya. Mas mahaba pa yata 'yung hinliliit ko sa pasensya nito, e.

"You are really a bad-temper woman, Luna," mahina kong sabi saka binaliktad ang towel sa noo ko.

"May sinasabi ka?" Tanong niya habang pinupunasan ang braso ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon