56: Tag Along

10.7K 539 325
                                    

| TAG ALONG |

LUNA'S P. O. V

NANG makalabas kami ng bahay, lahat kami ay natawa maliban na lang kina Deth at Gavin na pinaglihi sa sama ng loob.

"Gago! Galing natin umacting!" Sigaw ni Chaos. Nag-apir pa sila ni Zairus na nagtatalon-talon. "Pang guiness record!"

Malakas siyang binatukan ni Chaos. "Tanga! Anong guiness record? Famas Award!"

Kumunot ang noo ni Zai at napakamot sa ulo niya. "Ah 'yun ba?" Tumatalon-talon siya hanggang makalapit siya sa akin at akbayan dahilan para muntik na akong masubsob. "The best ka talaga, Luna! Pahiram ng utak mo! Ibabalik ko naman kaagad."

May kung sinong humawak sa kamay ni Zai at nag-alis nito sa balikat ko. "AAhhhhhhhh! Bitaw na, Deth! M-masakit!" Sigaw niya dahil pinipilipit na ni Deth ang kamay niya.

Naiiling-iling na lang ako sa itsura nila saka ako naglakad at sumabay kay Sander. "Sabi ko naman sa'yo. Magiging maayos din ang lahat."

"Salamat sa'yo, Luna."

"Sa aming lahat." Pagtatama ko sa kaniya. "At salamat din sa tiwala."

Lahat ng nangyari kanina ay planado, pati ang mga sinabi namin at pagsigaw. They were all scripted and just an act pero hindi pa 'yon sigurado dahil ang alas namin ay si Congressman Garcia na hindi namin inaakalang maniniwala sa amin at pupunta rito.

Flashback...

"Ano ba 'yung sinasabi mong gagamitin nating panlaban sa kanila, Luna?" Tanong ni Gab.

Nakasalampak kaming lahat sa sahig at pag-uusapan ang planong sinasabi ko para sa pag-uusap na magaganap bukas.

"I'll trigger them. You all know that I can't shut my mouth, right?"

Tumango naman silang lahat. Aba, hindi man lang nag-alinlangan at ang bilis magreact.

Bumuntong-hininga na lang ako. "Kaysa pigilan natin ang pagbuka ng bibig ko, hahayaan niyo 'ko."

"Ipipilit ko ang pag-aalok ng pera sa kanila," sabi ni Deth na nilalaro ang hawak niyang phone.

Nilingon ko siya saka ako tumango. Well, naisip ko rin na maganda kung ganun ang gagawin niya kahit nung una ayaw ko. "Yeah, do it. After nun, papasok ako sa eksena. I'll drop all the assumptions and clues we've got. With that, matataranta sila." Mahina akong natawa. "Si Gavin ang magpapasok ng idea na kakausapin niya si Tita na ibigay ang titulo."

Kumunot ang noo ni Gavin pero mabilis naman itong nawala dahil siguro nakuha niya na ang gusto kong mangyari.

Marahas na bumuntong-hininga si Deth saka kami seryosong tiningnan. "And I'll ask them if Sander is really a thief because if not, we will help him by means of giving him a house. But if they will still insist that Sander committed a crime, hahayaan natin siyang makulong na paniguradong magiging problema rin ng mga Rosales dahil ang gusto naman talaga nilang mangyari ay takutin lang sina Sander para makuha ang titulo."

Namilog ang mga mata ko. "Nakuha mo rin pala ang gusto kong mangyari?" Tanong ko pero napailing na lang ako nang itagilid niya ang ulo niya at nakapoker face na. Hindi ko na siya inintindi at nilingon na lang ang iba. "After that, paniguradong kakagat si Mrs. Rosales."

"How?" Tanong ni Eunice.

"Sabi ni Lucas ginamit niya ang mga trabaho ng parents niyo lalo na 'yung mga matunog sa business world o sa pulitika." Paliwanag ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon