38: Clueless

13.6K 693 322
                                    

| CLUELESS |

LUNA'S P. O. V

6:30 PM and we're already in the middle of the forest carrying our weapons. We all have a bad feeling about this, but we have no choice but to follow their instructions... Sarmiento's instructions are to be specific.

Bakit kaya nila kami pinasuot ng mask? What's their purpose?

Naisurrender na rin namin ang mga gadgets namin kay Deth. Naibigay niya na rin ito kay Sir Oliver. Maayos naman ang naging takbo ng usapan namin ni Alexus. Siya na raw ang bahala sa pagpapaliwanag sa mga bata. Kasama na rito sina Lucas at Raiven na mukhang magpapahirap sa kaniya kaysa kay Ced.

Natutuwa naman ako na hindi na siya sobrang overprotective pero nagtataka ako sa biglang pagbabago niya mula nang malaman niyang papasok ako rito. Kung ang dating Alexus ang nakausap ko kanina, malamang magagalit 'yun at magtatanong nang magtatanong kung bakit bawal kami gumamit ng phone. Nang sabihin ko sa kaniya na bawal, sinabihan niya lang ako na mag-ingat at may tiwala siya sa akin at sa mga desisyon ko.

"Nadala niyo na ba ang lahat?" Tanong ni Storm kaya napatango kaming lahat maliban na lang kay Eunice na nagkakalkal ng bag. Sinara niya ang bag niya saka nag-angat ng tingin. "Yeah, my makeups and-"

"The fuck?!" Sigaw ni Xenor dahil sa sobrang gulat at mukhang ganun din ang reaksyon ng iba dahil lahat na sila ay nakatingin kay Eunice na mukhang walang idea sa mga reaksyon namin.

"W-what's the matter?"

"Bakit may dala kang makeup? Ano? Me-makeup-an mo ang mga hayop na mapapatay natin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zairus. Lumapit sa kaniya si Vincent at binatukan siya. "Ang ingay mo."

Kumunot ang noo ni Eunice at pinagkrus pa ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "Duh! Syempre, sa mukha ko. Why would I bother myself to beautify those dead animals?"

"Someone stop Eunice or else I will tape her mouth," may bantang sabi ko kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. "Why-"

Akma siyang lalapit nang biglang hawakan ni Stella ang braso niya dahilan para matigilan siya. "Eunice, just stop."

Kumunot ang noo ni Eunice. "Are you siding her, Ste-"

"We are in a life-and-death situation here in the forest yet you brought your makeup with you? Are you in your right mind?" may iritasyon na sa boses niya.

Eunice's face softened. "I brought them in case I will die here, I want to die with my makeup on and-"

"No one's gonna die, okay?" may diing sabi ni Stella sa kaibigan. Matagal siyang tinitigan ni Eunice bago ito tumango. She's lifting her mood, because the truth is, she is scared for what might happen to us in the middle of forest.

"What's the plan, Deth?" Tanong ko kay Deth na alam kong nasa likod ko lang.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya naiiritang hinarap ko siya. "What's the plan?"

May mga tumatawa na sa paligid namin dahil sa tagal naming nagtitigan. Tinaasan niya ako ng kilay niya. "Don't die."

"What kind of plan is that, Deth?!" sigaw ni Stella.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon