55: Tricky

11K 571 124
                                    

| TRICKY |

LUNA'S P. O. V

Wala ng customers dahil nirentahan ni Lucas ang Jollibee. Pinatapos lang ang ilang mga kumakain at hindi na nagpapasok ng ibang customers. Nag-aalala raw kasi siya na baka ma-headline siya dahil sa ingay ng mga kasama ko lalo na sina Rance at Zairus.

Nasa dulo kaming bahagi ng upuan habang ang iba naman ay nasa magkabilaang gilid lang at tapat namin. Kanina pa ako binubulungan ni Lucas na kailangan na naming umuwi dahil baka lumakas na raw ang ulan kaya lang nakapulupot sa braso ko ang kamay ni Rance.

"Bitawan mo nga si Lu. You're annoying as fuck, man," naiinis na sabi ni Lucas saka ako hinila papalapit sa kaniya. 

Natatawang umurong si Rance, halatang nang-aasar lang. "You too." Sumimangot siya saka tiningnan si Zai na nakikipaglandian na naman kay Stella. "Zai, labanan mo nga ng pang malakasang english mo."

Tumayo naman ang gago at lumapit sa amin bilang pagpatol. "Okay, shoo. I'll talk to him." Hinila niya si Rance at siya ang tumabi sa akin. Napapagitnaan na nila ako. Isinandal ko ang likod ko sa upuan para bigyan silang dalawa ng pagkakataon na magkaharap.

"P'wede ka na talaga ilaban sa Math quiz bee, gagi!" Sigaw ni Rance.

"What?" Nagtaas ng kilay si Lucas na patol bata talaga kahit kailan. "Do you want to say something?"

"You ahmm... what do you call this?" Halata sa mukha ni Zai ang hirap. Mahina siyang napamura at tumingin kay Gab. "Kaano-ano mo si Luna? Ano'ng english nung kaano-ano?"

Hindi pinansin ni Gab si Zai at pinagpatuloy lang ang pagkain nito. Nilingon niya naman ang iba para manghingi ng tulong pero nagsiiwas lang ito ng mga tingin kaya napabuntong-hininga na lang siya saka muling hinarap si Lucas. "Are you related to Luna?"

"Pucha! Galing, oh! Mahal na yata kita Zai!" Sigaw ni Rance pero hindi na nakasigaw pa ulit nang pingutin siya ni Gavin. "Ang ingay mo."

Napahilot naman sa sinitdo si Lucas. "Yeah, I'm her friend."

"Someone's coming nga pala."

Napalingon kaming lahat kay Denver na kamumulat lang ng mga mata. 

"Huh?"

Pinakita ni Denver ang phone niya kay Xenor. Nagkatinginan silang dalawa kaya naki-esyoso na rin ang iba pati na si Zai na tumayo na rin at lumapit kay Denver. "Akala ko ba nalalayuan siya rito? Tsaka ang bilis naman?"

"Kanina pa yata umalis 'yan nung nalaman niyang nandito rin sa Bicol 'yung gagamitin niya raw," natatawang sabi ni Rance. "Tsaka ang alam ko wala 'yan sa Manila. Baka nasa malapit lang."

"Kasama pa ba 'to sa plano?" Tanong ni Zai.

"Ang aling plano, Zai?" nagtatakang tanong ko. Nagtanong na rin sina Eunice at Stella.

"Plano para-"

"Zairus," may diing tawag ni Chaos kay Zairus dahilan para matawa ito at tumingin sa labas. "Plano para makauwi dahil lumalakas na ang ulan."

"May kotse ba siyang dala? Sunduin kaya natin?" Tanong ni Gab saka kinuha ang hawak Chaos na fries. Nagulat si Chaos sa ginawa ni Gab pero hinayaan niya na lang at inusog ang drinks niya sa harap ni Gab. Puno ang bibig ni Gab pero nagawa niya pang ngumiti kay Chaos. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang kunin niya ang drinks ni Xenor na hindi pa nagagalaw at ito ang binawasan.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon