59: Pageant

12.5K 601 517
                                    

| PAGEANT |

LUNA'S P. O. V

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Eunice's dad? Agad na napabaling ako kay Eunice nang bigla na lang itong humagulgol ng iyak habang nakatingin sa daddy niya. "D-Daddy! I'm sorry!"

Mabilis niyang tinawid ang distansya nila ni Eunice. Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang magkabilaang balikat. "I should be the one to say that. Sorry if I made you feel not important. I just found her your mom kaya sobra ko siyang minahal to the point na nakalimutan na kita kaya sorry, princess. Sorry for not being a father to you since your mom died. You are my own flesh and blood so, you are my everything. Masyado lang talagang nabulag ng pagmamahal ang Daddy mo... pasensya na, anak." Niyakap niya si Eunice. Parehas na silang umiiyak. Hinagod niya ang likod ni Eunice para pakalmahin.

Maging ako ay napaiyak na rin. How I wish I could hug my daddy, too. Bumagsak ang mga luha ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinunasan ang luha ko bago tumayo.

Mula sa malayo, tanaw namin ang van na sinasakyan ng mga naiwang mga gunggong. Nakabukas ang pinto nito kaya kita namin ang iba sa kanila na kumakaway pa.

"Let's go, you'll get sick." Hinawakan niya ang dalawang kamay nito saka siya tumayo. "You hate dirt but look at you."

She hated dirt but now she's okay with it. Nasanay ba naman sa training namin.

Hinila niya si Eunice para tuluyang makatayo. Tinanggal niya ang suot niyang jacket at isinuot kay Eunice. Pinulot ko naman ang payong na binitawan ni tito.

"Tito, payong po." Inabot ko ang payong sa kaniya. Napatingin naman sila sa akin ni Eunice.

"Thank you..."

"Luna, Daddy." Eunice interjected.

Tito nodded and smiled. "Thank you, Luna." Tumingin din siya kay Stella. "Thank you for staying by her side, Stella. I owe you."

Stella smiled. She put her hands in her waist and shrugged her shoulders. "It's the best friends thing, tito. You don't owe me anything. Kay Eunice po kayo dapat bumawi."

Tito chuckled. "Yes, I will. I promise."

Hinawakan ni tito ang balikat ni Eunice saka kami tinalikuran at naglakad. Nanatili ang tingin namin sa kanila ni Stella hanggang makalayo sila at makapunta sa mga gunggong. Nagtatawanan na ang mga 'to.

"You really love sticking your nose to others' business, huh?"

Napatingin ako kay Stella. Kinuha niya sa akin ang payong niya at binuksan ito. Umisang hakbang siya sa akin para masakop ako ng payong niya.

"I hate you," sabi niya saka ako inirapan. Naglakad na siya. Sumabay naman ako sa lakad niya. Natatawang napailing ako. "I know."

Mataray niya akong binalingan ulit ng tingin. "But I didn't say that I don't like you either."

Ang gulo. Gusto niya ako at the same time hate niya ako? Now, I get it. Natatawang napatango ako. "Yeah, yeah, I know."

NASA restaurant kami na pagmamay-ari ng friend ni tito. Walang tao bukod sa amin. Pina-reserve raw ito ni tito for us dahil may mga gunggong na nagparinig na gutom sila. May dumating din na maid na may dalang mga damit namin pampalit.

Naunang matapos magpalit ang dalawa. Lumabas akong nag-aayos ng buhok ko. Nakalugay ito dahil nakalimutan kong magdala ng tali ng buhok. Mas gusto ko talagang nakatali ang buhok ko kaysa nakalugay. Naiirita kasi ako kapag dumidikit sa balat ko pero no choice ako kung hindi magtiis.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon