17: Bloody Battle

19K 908 168
                                    

| Bloody Battle |

LUNA'S P. O. V

BIGLA na lang akong hinila ni Deth pabalik sa room at hindi raw ako p'wedeng tumayo hangga't wala siyang sinasabi.

"Remember the deal between us for every action you will do, Luna. Dahil kapag napuno ako-"

Naiinis na tumayo ako at dinuro siya. "Peste ka! Bakit ka mapupuno?! Ano ba'ng ginawa ko sayo ha?!" sigaw ko saka ako mahinang tumawa. "Kating-kati ka ba talaga mapaalis ako rito? Pwes, hindi ako aalis! Kung makatatlo akong counts ng offense, saka lang-"

"This section is not for the weak people, Luna. Hindi lahat ng nakasulat sa agreement na pinirmahan mo ay matutupad. Hindi lahat ng sinasabi ko sa'yo ay nando'n. Marami ang hindi nakasulat doon kaya kung ako sa'yo hindi ako magre-rely ng information doon kung ayaw mong mapahamak. If I were you, I'll leave and will never be back in this section. Kapag ikaw nanatili pa rito, wala ng madaling paraan para makaalis ka," sabi niya saka umayos ng tayo at lumabas ng room.

Umiling-iling ako. No, tinatakot niya lang ako para paalisin dito. I will never give him the satisfaction he needs.

Hindi dapat ito ang iniintindi ko. Sa Sunday na ang birthday ni Kuya Jasper. Dadalawin ko silang lahat dahil magkakatabi naman sila ng puntod.

UWIAN na at pinaalala ni Deth ang mangyayari bukas.

"Bloody Battle will start at 3 pm to 6 pm at the school gymnasium kaya dapat 2 pm pa lang nandito na kayo. Tomorrow is the day when you three need to decide whether you want to be an official dark student or leave this section or school."

"Sino'ng kalaban, Deth? Ang SSHS ba?" tanong ni Tev.

"Tayo ang magkakalaban," sabi ni Deth na ikinabuntong-hininga ng iba.

"Again, that was the principal's decision, not mine," walang emosyong sabi ni Deth saka kami tinalikuran.

"That old stinky man!"

"I will kill him!"

"Not that easy to do."

"We need to kill him para makaalis na tayo sa impyernong 'to!"

Gusto na pala nila umalis pero hindi sila makaalis? So, tama pala talaga ang sinabi sa akin ni Deth na walang madaling paraan para makaalis dito kung mananatili pa ako?

"Ate Luna, sabay na tayong umuwi!" sigaw ni Tev nang masukbit ko na ang bag sa likod ko.

Tumango lang ako. Inangkla niya na ang kamay niya sa braso ko. Sabay kaming lumabas ng room at tiningnan siya. Ang lapad ng ngiti ng ngiti niya pero ako, nag-aalala sa kaniya. "Hindi ka ba kinakabahan bukas? Marunong ka bang lumaban? Kaya mo ba?"

"Don't worry, Ate. I'll be fine. Basta ba susuportahan mo ako. Ichi-cheer mo ako, ha," sabi niya saka kaya tumango ako.

"I'll be there cheering your name," nakangiting sabi ko kaya lumiwanag lalo ang mukha niya. Nagulat ako nang may kotseng bigla na lang tumapat sa amin at hinila ako ni Tev. "Ate, sakay na!"

"Huh?"

"Ihahatid na kita." Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Beeeep!

Napalingon kami sa pinanggalingan ng ingay ng kotse at nakita ko ang audi na kotse ni Lucas. Kapag hindi kotse ni Alexus, ibigsabihin wala siya.

Nasaan si Alexus?

Lumabas si Lucas na nakasuot ng black na hoodie at ripped pants.

"Wala si Alexus, Lu. Ako muna raw ang susundo sayo." Bungad na sabi niya nang makalapit siya sa amin.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon