20: Breathe Out

18.8K 869 429
                                    

| BREATHE OUT |

LUNA'S P. O. V

KAHAHATID ko lang kay Ced kina Ate Jo. Ngayon lang nangulit si Ced sa akin nang grabe dahil panay ang tanong nito kung sino ang naghatid sa akin kagabi. Pumayag ako sa gusto ni Xenor na ihatid ako dahil nagalit nalang siya bigla kagabi at nasabihan pa ako ng 'shut up' na linyahan ni Kamatayan.

Hindi man lang siya nagpasalamat sa ibinigay ko. Nakakainis naman!

Nagpicture rin kaming dalawa kahit ang mukha niya ay nakapoker face lang habang ako naka peace hehe.

NAGLALAKAD lang ako papunta sa school habang nakasalpak sa tenga ko ang earphone ko. Liliko na sana ako papunta sa Dahlia street nang biglang may tumapat sa akin na kotse at bumaba ang bintana sa backseat.

It's Knoxx.

"Sabay na tayo," sabi niya. Nilakasan ko ang volume ng music sa phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod siya hanggang makarating kami sa school.

Pagpasok ko ng room, sumalubong agad sa akin si Tev na nakasaklay pa rin. "Totoo ba na magkasama kayo kagabi ni Xenor?"

"Huh? Saan mo naman nakuha 'yang balita na 'yan?" Kunot-nuong tanong ko saka naupo sa upuan ko sa likod. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa katabing upuan ko. "May nagpost ng picture niyo ni Xenor. Nasa kotse kayo. Hawak mo 'yung palapulsuhan niyang may bracelet."

Shit! Bakit niya pinost?!

Pero imposible naman na i-post niya 'yon, e pilit pa nga 'yung picture na 'yon. Ayaw niya kasi. Tsaka kahapon niya nga lang nalaman na may Facebook, eh kaya malamang imposibleng siya 'yung nagpost ng pic namin sa Facebook.

"She is really a flirt. She is trying to hit on Chaos, Deth, Knoxx, and Xenor." Si Eunice.

"Half of the girls in the campus have a huge crush on Xenor. I won't be shocked at all if makita ko ang mga 'yon na kinakaladkad ang babaeng 'yan." Si Stella.

Sarap talagang busangalan ng bibig nitong sina Stella at Eunice, e!

"Bakit ba kasi magkasama kayong dalawa ni Xenor, ate?" Usisa ni Tev kaya nag-iwas ako ng tingin.

"May nangyari lang," tanging sagot ko lang. Hindi ko naman p'wedeng ikuwento na nakipag-away kami ni Xenor at may nasaksak pa siya.

"Anong meaning nang bracelet niya na hawak mo? Sa pagkakakilala ko sa kaniya, ayaw no'n ng accessories kaya nga kung mapapansin mo wala siyang kahit anong accessories o kahit relo man lang."

Napanguso ako. Eh 'di baka hindi niya rin 'yon isuot. "Regalo ko. Birthday kasi niya, e."

Napanguso din siya nang mahaba kaya tinapik ko siya. "Oh, bakit parang pinagbasakan ka ng langit at lupa riyan?"

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Ang tagal pa kasi ng birthday ko kaya hindi pa ako makakatanggap ng regalo mula sa'yo."

Napailing nalang ako sa sinabi niya saka ko inilabas ang notebook ko at nagsimulang mag-aral. Wala na kasi sa aming nagtuturo at hindi na ako nag-eexpect. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang may maupo sa upuan na nasa gilid ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon