18: Knoxx Chase Vasquez

18.8K 897 284
                                    

| Knoxx Chase Vasquez |

LUNA'S P. O. V

Makalipas ang limang minuto ay dumating na si Rance na hingal na hingal habang hawak ang stretcher.

"Bakit ba ang tagal mo, ha?!" Salubong ko sa kaniya.

Itinuro niya ang pintuan at napakunot ang noo ko nang makita ang dalawang nurse at isang doktor na naghahabol ng mga hininga gaya ni Rance. Ang doktor ay may dumudugong labi pa.

"One record for me," natatawa niyang sabi saka itinuro ang mga nasa pinto.

"Bakit?"

Ibinaba niya ang isang kamay niya saka inilapag ang stretcher sa tabi ni Tev. "Sinuntok ko kasi ayaw akong pahiramin ng stretcher."

"Maayos ka bang nagtanong?"

"Oo naman with please pa nga, e," natatawa niyang sabi.

"No record for you," sabi ko saka tumingin kay Mr. PPP. "Wala siyang record dahil maayos siyang humingi ng permiso at kasalanan ng mga bobo mong nurse at doktor kung bakit ganiyan ang inabot nila."

"You're not the one who has the last say, Ms. Luna," may diin niyang sabi.

"I'm not the one and so are you," may diin ko ring sabi na ikinadilim ng mukha niya.

"Threatened, Mr. Sarmiento? Don't be. It's just me."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "I know who you are and your family, Ms. Luna. You're a daughter of a demon and I'm not surprised if you are too."

Huh? Pinagsasabi nitong Mr. PPP na 'to?

"Ate, m-masakit na." Nagbaba ako ng tingin kay Tev. Lumuhod ako. "Sorry, Tev. Dinaldal ako ni Mr. PPP, e."

"PPP?" Mahina niyang sabi kaya inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Pekeng panot na principal."

Mahina siyang natawa pero halatang ang hirap ro'n. "A-ate masakit ang k-katawan ko para t-tumawa. I have no energy left."

"I know," sabi ko saka nilingon si Rance na nagkakamot na ng ulo. "Ikaw sa tuhod, ako sa balikat. Ingatan mong hindi matamaan ang binti kung hindi tu-tuk-tokan kita."

Itinapat ni Rance ang stretcher sa katawan ni Tev saka namin binuhat si Tev. Napaigik sa sakit si Tev dahilan para napamura ako.

"Sorry, Tev. Ang totoo wala naman akong alam sa tamang paglilipat ng taong injured sa stretcher, e." Pag-amin ko pero ngumiti lang siya. "Ayos lang, ate. Dalhin niyo nalang ako sa clinic."

Tumango lang ako saka namin binuhat ni Rance ang stretcher.

Naglakad kami hanggang sa labas ng pinto. Huminto kami nang tumapat kami sa doktor. "Be professional, Doc. Kinikilala kitang doktor dahil nagtapos ka ng medisina. Sana gawin mo ang trabaho mo kahit sino pang Poncio pilato ang kaharap mo."

"Pero-"

"Natatakot ka?"

Nagbaba siya ng tingin.

"Siya ba ang nagluwal sa'yo?"

Umiling siya.

"Siya ba ang nagpaaral sa'yo?"

Umiling siya ulit.

"Hahayaan mo ba siyang kontrolin lang ang buhay mo?"

Umiling ulit siya pero mukhang pagkakamali 'yon para sa kaniya dahil nanlaki ang mga mata sa ginawa. "He will kill me if-"

"I'll kill him for you," may diin na sabi ko saka tiningnan ang nurse na nasa likod niya. "Kayo na ang bahala sa kapatid ko. Kapatid ko siya at kapag may mangyari sa kaniyang masama, hindi si panot na principal ang papatay sa inyo kung hindi ako."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon